YESO, BATONG
Matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Palestina ang mga nakausling batong sedimentary na ito na malambot, madaling madurog at mataas sa calcium carbonate. Palibhasa’y hindi magagamit sa pagtatayo at napakadaling madurog at mapulbos, ginamit ng propetang si Isaias ang batong yeso sa isang simili para ipakita kung ano ang dapat gawin ng Israel sa idolatrosong mga altar nito upang magkamit ng kapatawaran. (Isa 27:9) Ang Aramaikong katumbas ng terminong Hebreo na gir (yeso) ay lumilitaw sa Daniel 5:5 at isinalin bilang “palitada.”—Tingnan ang APOG; PALITADA.