-
Ibinubuhos ni Jehova ang Galit sa mga BansaHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
-
-
16, 17. Ano ang mangyayari sa Edom, at gaano katagal magpapatuloy ito sa gayong kalagayan?
16 Nagpapatuloy ang hula ni Isaias na patiunang nagsasabi sa atin na ang populasyon ng mga tao sa Edom ay mapapalitan ng mababangis na hayop, na nagpapahiwatig sa dumarating na pagkatiwangwang: “Sa sali’t salinlahi ay magiging tigang siya; walang sinumang daraan sa kaniya magpakailan kailanman. At aariin siya ng pelikano at ng porcupino, at mga kuwagong may mahahabang tainga at mga uwak ang tatahan sa kaniya; at iuunat niya sa kaniya ang pising panukat ng kawalang-laman at ang mga bato ng pagkatiwangwang. Ang kaniyang mga taong mahal—walang sinuman doon ang tatawagin nila sa pagkahari, at ang kaniya mismong mga prinsipe ay magiging walang kabuluhang lahat. Sa kaniyang mga tirahang tore ay tutubo ang mga tinik, mga kulitis at matitinik na panirang-damo sa kaniyang mga nakukutaang dako; at siya ay magiging dakong tinatahanan ng mga chakal, ang looban ng mga avestruz. At ang mga namamalagi sa mga pook na walang tubig ay makakasalubong ng mga hayop na nagpapalahaw, at maging ang hugis-kambing na demonyo ay tatawag sa kasama nito. Oo, doon nga magpapahingalay ang kandarapa at makasusumpong ng kaniyang pahingahang-dako. Ang ahas-palaso ay doon namumugad at nangingitlog.”—Isaias 34:10b-15.a
17 Oo, ang Edom ay magiging isang lupaing walang laman. Ito’y magiging isang tiwangwang na lupain na ang naroroon lamang ay mababangis na hayop, mga ibon, at mga ahas. Ang tigang na kalagayan ng lupain ay magpapatuloy, gaya ng sinasabi ng Isa 34 talatang 10, “magpakailan kailanman.” Hindi magkakaroon ng pagsasauli.—Obadias 18.
-
-
Ibinubuhos ni Jehova ang Galit sa mga BansaHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
-
-
a Noong panahon ni Malakias, ang hulang ito ay natupad. (Malakias 1:3) Iniulat ni Malakias na umasa ang mga Edomita na muling matatamo ang kanilang tiwangwang na lupain. (Malakias 1:4) Gayunman, hindi ito ang kalooban ni Jehova, at nang maglaon ibang bayan, ang mga Nabataneo, ang nagmay-ari sa lupain ng Edom.
-