-
Tinatahak Ngayon ng “Malaking Pulutong” ang “Daan” Patungo sa Organisasyon ng DiyosGumising!—1987 | Hunyo 22
-
-
5 Ito ay inihula sa mga pananalitang ito ng Isaias 35: “Kung magkagayo’y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan. Kung magkagayo’y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit sa kagalakan. Sapagkat sa ilang ay bubukal ang tubig, at magkakailog sa malawak na disyerto. At ang lupang tigang sa init ay magiging lawa, at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig. Sa tahanan ng mga asong-gubat (jackal), na dakong pahingahan nila, magkakaroon ng luntiang damo pati ng mga tambo at mga papiro.”—Isaias 35:5-7.
-
-
Tinatahak Ngayon ng “Malaking Pulutong” ang “Daan” Patungo sa Organisasyon ng DiyosGumising!—1987 | Hunyo 22
-
-
7. Ano ang hindi nakita ng mga mata ng pang-unawa ng nalabi bago 1914, subalit naidilat ba ang kanilang “bulag” na mga mata?
7 Bago ang wakas ng mga Panahong Gentil hindi nabuksan ang mga mata ng pang-unawa ng espirituwal na mga Israelita upang makita na ang kaguluhan sa daigdig na nakatakdang magsimula noong 1914 ay magwawakas na may nalabi sa kanila na naririto pa sa lupa. Ni nakita man nila na sila at ang “malaking pulutong” ng “ibang tupa” ay pagkakalooban ng pribilehiyo na pagbibigay ng pandaigdig na patotoo sa pagkatatag ng Mesianikong Kaharian ng Diyos. Kaya nangyari na noong 1919 nadilat ang espirituwal na bulag na mga mata ng nalabi, at anong pangitain tungkol sa malapit na hinaharap ang nakita ng nadilat na mga matang iyon!
8. Ano ang epekto ng dalawang mga kombensiyon sa Cedar Point, Ohio, sa espirituwal na mga pandinig at mga dila ng isinauling nalabi?
8 Sa kanilang mga kombensiyon sa Cedar Point, Ohio, noong 1919 at 1922, sila ay tumanggap ng ilang pahiwatig tungkol sa gawain na nasa unahan. Sila ay naghanda para sa atas na nasa kanilang harapan. Ang kanilang espirituwal na mga pakinig ay nabuksan upang marinig ang kapana-panabik na mensahe ng Kaharian ng Diyos at ang pangangailangan na ianunsiyo ito. Tulad ng isang usa, sila ay lumukso upang maglingkod bilang mga tagapagdala ng patotoo alang-alang sa malaon-nang-ipinanalanging Kaharian na iyon. Ang kanilang mga dila, na noon ay hindi makapagsalita, ay humiyaw sa kagalakan tungkol sa kapangyarihan ng Mesianikong Kaharian sa mga langit.—Apocalipsis 14:1-6.
-