-
“Banal, Banal, Banal si Jehova”Ang Bantayan—2011 | Disyembre 1
-
-
KUNG papipiliin ka ng isang salita para ilarawan ang Diyos na Jehova, ano ang pipiliin mo? Noong ikawalong siglo B.C.E., si propeta Isaias ay nagkaroon ng pangitain kung saan narinig niyang pinupuri ng mga espiritung nilalang si Jehova, gamit ang salitang naglalarawan ng Kaniyang napakahalagang katangian—ang kabanalan. Ang nakita at narinig ni Isaias ay dapat mag-udyok sa atin na maging mapagpitagan at mas malapít kay Jehova. Habang isinasaalang-alang natin ang mga salita sa Isaias 6:1-3, isipin mong naroroon ka.
-
-
“Banal, Banal, Banal si Jehova”Ang Bantayan—2011 | Disyembre 1
-
-
Nasindak si Isaias hindi lang sa kaniyang nakita kundi gayundin sa kaniyang narinig. Ang mga serapin ay sabay-sabay na umaawit sa langit. Isinulat ni Isaias: “Ang isang ito ay tumawag sa isang iyon at nagsabi: ‘Banal, banal, banal si Jehova ng mga hukbo.’” (Talata 3) Ang salitang Hebreo na isinaling “banal” ay nagpapahiwatig ng pagiging malinis at dalisay. Kasama rin diyan ang “ideya ng pagiging lubusang malaya at hiwalay sa kasalanan.” Sa tuluy-tuloy na sagutang pag-awit ng mga serapin, tatlong beses nilang inawit ang salitang “banal,” anupat idiniriin ang sukdulang kabanalan ni Jehova. (Apocalipsis 4:8) Kung gayon, ang kabanalan ay isang napakahalagang katangian ni Jehova. Siya ay lubos na dalisay, malinis, at walang-dungis.
-