-
Lalakad Ka Bang Kasama ng Diyos?Ang Bantayan—2005 | Nobyembre 1
-
-
11. Ayon sa Jeremias 6:16, anong nakapagpapasiglang paglalarawan ang ginamit ni Jehova para sa kaniyang bayan, ngunit paano sila tumugon?
11 Lubusan ba talaga tayong nagpapaakay sa Salita ng Diyos? Kapaki-pakinabang na huminto kung minsan at matapat na suriin ang ating sarili. Isaalang-alang ang isang talata na tutulong sa atin na gawin ito: “Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Tumayo kayo sa mga daan at tingnan, at ipagtanong ninyo ang mga landas noong sinaunang panahon, kung nasaan nga ang mabuting daan; at lakaran ninyo iyon, at makasumpong kayo ng kaginhawahan para sa inyong mga kaluluwa.’ ” (Jeremias 6:16) Maaaring ipaalaala sa atin ng mga salitang ito ang isang manlalakbay na humihinto sa isang sangandaan upang magtanong ng direksiyon. Sa espirituwal na diwa, kailangang gayundin ang gawin ng mapaghimagsik na bayan ni Jehova sa Israel. Kailangan nilang balikan ang “mga landas noong sinaunang panahon.” Ang “mabuting daan” na iyon ay ang daan na nilakaran ng kanilang tapat na mga ninuno, ang daan na may-kamangmangang iniwan ng bansa. Nakalulungkot, ang Israel ay may-katigasan-ng-ulong tumanggi sa maibiging paalaalang ito ni Jehova. Nagpapatuloy ang talatang iyon: “Ngunit patuloy nilang sinasabi: ‘Hindi namin lalakaran.’ ” Subalit sa makabagong panahon, iba naman ang naging pagtugon ng bayan ng Diyos sa gayong payo.
12, 13. (a) Paano tumugon ang pinahirang mga tagasunod ni Kristo sa payo na nasa Jeremias 6:16? (b) Paano natin masusuri ang ating sarili may kaugnayan sa paraan ng ating paglakad sa ngayon?
12 Mula noong pagtatapos ng ika-19 na siglo, ikinapit ng pinahirang mga tagasunod ni Kristo sa kanilang sarili ang payo na nasa Jeremias 6:16. Bilang isang grupo, nanguna sila sa buong-pusong pagbabalik sa “mga landas noong sinaunang panahon.” Di-tulad ng apostatang Sangkakristiyanuhan, may-katapatan silang nanghawakan sa “parisan ng nakapagpapalusog na mga salita” na itinatag ni Jesu-Kristo at itinaguyod ng kaniyang tapat na mga tagasunod noong unang siglo C.E. (2 Timoteo 1:13) Hanggang sa ngayon, tinutulungan ng mga pinahiran ang isa’t isa at ang kanilang mga kasamahang “ibang mga tupa” sa pagtataguyod ng nakapagpapalusog at nakapagpapaligayang daan ng buhay na iniwan ng Sangkakristiyanuhan.—Juan 10:16.
13 Dahil sa paglalaan ng espirituwal na pagkain sa tamang panahon, natutulungan ng uring tapat na alipin ang milyun-milyong tao na masumpungan ang “mga landas noong sinaunang panahon” at lumakad na kasama ng Diyos. (Mateo 24:45-47) Kabilang ka ba sa milyun-milyong iyan? Kung oo, ano ang magagawa mo upang hindi maanod papalayo, anupat sumusunod sa iyong sariling landasin? Isang katalinuhan na huminto paminsan-minsan at suriin ang iyong paraan ng paglakad sa buhay. Kung palagi kang magbabasa ng Bibliya at ng mga publikasyong salig sa Bibliya at dadalo sa mga programa ng pagtuturo na itinataguyod ng mga pinahiran sa ngayon, kung gayon, sinasanay kang lumakad na kasama ng Diyos. At kapag mapagpakumbaba mong ikinakapit ang ipinapayo sa iyo, talagang lumalakad ka na kasama ng Diyos, anupat tinatahak ang “mga landas noong sinaunang panahon.”
-
-
Lalakad Ka Bang Kasama ng Diyos?Ang Bantayan—2005 | Nobyembre 1
-
-
Anu-anong Pagpapala ang Dulot Nito?
17. Kung lalakad tayo sa daan ni Jehova, anong “kaginhawahan” ang masusumpungan natin para sa ating kaluluwa?
17 Ang paglakad na kasama ng Diyos na Jehova ay nangangahulugan ng pinagpalang buhay. Tandaan ang ipinangako ni Jehova sa kaniyang bayan hinggil sa paghanap sa “mabuting daan.” Sinabi niya: “Lakaran ninyo iyon, at makasumpong kayo ng kaginhawahan para sa inyong mga kaluluwa.” (Jeremias 6:16) Ano ang kahulugan ng “kaginhawahan” na iyon? Isang buhay na punô ng kaluguran at karangyaan? Hindi. Naglalaan si Jehova ng mas mainam pa roon, isa na bihirang masumpungan maging ng pinakamayaman sa sangkatauhan. Ang pagkasumpong ng kaginhawahan para sa iyong kaluluwa ay nangangahulugan ng pagkasumpong ng panloob na kapayapaan, kagalakan, pagkakontento, at espirituwal na kasiyahan. Ang gayong kaginhawahan ay nangangahulugan na makapagtitiwala ka na napili mo ang pinakamabuting landasin sa buhay. Ang gayong kapayapaan ng isip ay isang pambihirang pagpapala sa magulong daigdig na ito!
-