KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JEREMIAS 51-52
Natutupad ang Bawat Detalye ng mga Pananalita ni Jehova
Eksaktong inihula ni Jehova ang mga mangyayari sa hinaharap
“Pakinisin ang mga palaso”
“Ang makapangyarihang mga lalaki ng Babilonya ay tumigil sa paglaban”
Sinasabi ng Nabonidus Chronicle: “Ang hukbo ni Ciro ay pumasok sa Babilonya nang walang pagbabaka.” Malamang na nangangahulugan ito na hindi nagkaroon ng malaking labanan at kaayon ito ng hula ni Jeremias
“Ang Babilonya ay magiging mga bunton ng mga bato [at] tiwangwang na kaguhuan hanggang sa panahong walang takda”
Noong 539 B.C.E., nagsimulang kumupas ang kaluwalhatian ng Babilonya. Binalak ni Alejandrong Dakila na gawing kabisera ang Babilonya, pero bigla siyang namatay. Sa simula ng panahong Kristiyano, may komunidad pa rin ng mga Judio roon, kaya may dahilan si apostol Pedro na dumalaw sa Babilonya. Pero pagsapit ng ikaapat na siglo C.E., gumuho na ang lunsod, at nang dakong huli ay hindi na ito umiral