ZEMARITA
Isang pamilya o tribo na nagmula sa anak ni Ham na si Canaan. (Gen 10:15, 18; 1Cr 1:13, 16) Ang pagbanggit sa Canaanitang bayang ito sa pagitan ng “Arvadita” (iniuugnay sa Arvad na malapit sa baybayin ng Fenicia) at “Hamateo” (malamang na kaugnay ng Hamat sa Sirya) ay nagpapahiwatig na ang mga Zemarita ay namayan sa kahabaan ng H baybayin ng Fenicia. Alinsunod sa isang pagwawasto, binabanggit sa Ezekiel 27:8 ang “dalubhasang [marurunong na] mga lalaki ng Zemer” (RS; BE), iminumungkahi ng ilan bilang ang lunsod ng mga Zemarita at walang-katiyakang iniuugnay sa Tell Kazel, mga 35 km (22 mi) sa HS ng Tripoli. Gayunman, dito ay kababasahan ang tekstong Hebreo: “Ang iyong mga dalubhasa [mga lalaki], O Tiro.” (AT; RS, tlb) Iba namang lokasyon ang itinuturo ng iba at iniuugnay nila ang mga Zemarita sa Sumra, isang bayan sa baybaying dagat sa pagitan ng Tripoli at Arvad.