HAMONA
[nangangahulugang “Pulutong (Karamihan)”].
Isang makasagisag na lunsod sa kapaligiran ng libis na paglilibingan kay Gog at sa kaniyang pulutong, pagkatapos na ang sama-samang pagsalakay nila sa bayan ng Diyos ay humantong sa pagkatalo at lansakang pagpatay. Ang pangalan ng lunsod ay halaw sa pangyayaring iyon at ito ay isang pinakaalaala ng tagumpay ni Jehova laban sa mga kaaway na ito. (Eze 39:16) Ang isang lunsod ay nagpapahiwatig ng isang organisadong kalipunan ng mga tao, na dito ay lumilitaw na nauugnay sa pag-oorganisa para sa pagliligpit ng mga buto na inilarawan sa Ezekiel 39:11-15.—Tingnan ang GOG Blg. 2.