-
Nang ang mga Hari ay Turuan ni Jehova ng AralAng Bantayan—1988 | Disyembre 1
-
-
15. Paano hinamak ni Belsasar ang tunay na Diyos, si Jehova?
15 Ang isa pang hari na nagkaroon si Jehova ng pagkakataon na maturuan ay si Belsasar. Siya ang anak at kasamang naghahari ni Haring Nabonidus, na isang kahalili naman ni Nabucodonosor. Samantalang nagaganap ang isang malaking piging, si Belsasar ay nagkaroon ng lakas ng loob na iutos na ang mga gintong sisidlan na kinuha ng kaniyang lolo sa templo ni Jehova sa Jerusalem ay dalhin doon upang siya, pati kaniyang mga mahal na tao, kaniyang mga asawa, at kaniyang mga babae ay makainom doon. Kaya “sila’y nag-inuman ng alak, at kanilang pinuri ang mga diyos na ginto at pilak, tanso, bakal, kahoy at bato.”—Daniel 5:3, 4.
-
-
Nang ang mga Hari ay Turuan ni Jehova ng AralAng Bantayan—1988 | Disyembre 1
-
-
17 Sinabi pa ni Daniel kay Belsasar: “Ang Diyos na kinaroroonan ng iyong hininga at kinaroroonan ng lahat ng iyong lakad ay hindi mo niluwalhati.” (Daniel 5:23) Kaya’t ang sulat-kamay ay nagbigay-babala sa pinuno ng Babilonya na sumapit na sa pagwawakas ang mga araw ng kaniyang paghahari, na siya’y tinimbang at nasumpungang kulang, at na ang kaniyang kaharian ay ibibigay sa mga Medo at sa mga Persiyano. At nang gabi ring iyon, pagkatapos na ang palalong hari ay turuan ni Jehova ng kailangang-kailangang aral na ito, si Belsasar, ang haring Caldeo, ay pinaslang.—Daniel 5:30.
-