PREPEKTO
[sa Ingles, prefect].
Sa pamahalaan ng Babilonya, isang opisyal na mas mababa kaysa sa isang satrapa. Sa Daniel 2:48, ginagamit ang titulong ito kaugnay ng “marurunong na tao ng Babilonya.” Waring inuri ang “marurunong na tao” na ito ayon sa kanilang opisyal na mga tungkulin. Inatasan si Daniel bilang punong prepekto sa lahat ng “marurunong na tao ng Babilonya.”—Dan 3:2, 3, 27.
Sa ilalim ng pamamahala ni Haring Dario na Medo, ang maharlikang mga opisyal ay pumaroon sa harap ni Dario “bilang isang pulutong,” anupat ipinahihiwatig nito na isang malaking bilang ang nasasangkot, at sinabi nila na inirerekomenda ng lahat ng opisyal, kabilang na ang mga prepekto, na gumawa ng isang batas na nag-uutos na sa hari lamang dapat magsumamo, sa loob ng 30 araw. Nagpatuloy si Daniel sa pagsusumamo kay Jehova, at iniligtas siya ni Jehova; ang mga nagsabuwatan ang namatay sa yungib ng mga leon.—Dan 6:6, 7, 24.