-
Aklat ng Bibliya Bilang 27—Daniel“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
6. Anong dalawang bahagi ang bumubuo sa aklat ni Daniel?
6 Inilakip ng mga Judio ang Daniel, hindi sa Mga Propeta, kundi sa Mga Kasulatan. Gayunman, sinunod ng Bibliyang Ingles ang katalogo ng Griyegong Septuagint at ng Latin Vulgate at ito ay isiningit sa pagitan ng mga pangunahin at pangalawahing propeta. Ang aklat ay may dalawang bahagi. Ang una, kabanata 1 hanggang 6, ay mga karanasan ni Daniel at ng kaniyang mga kasama sa serbisyo-sibil mula 617 B.C.E. hanggang 538 B.C.E. na nakatala ayon sa panahon. (Dan. 1:1, 21) Ang ikalawang bahagi, kabanata 7 hanggang 12, ay isinulat mismo ni Daniel sa unang panauhan at tungkol sa sariling mga pangitain at pakikipag-usap niya sa anghel mula 553 B.C.E.f hanggang mga 536 B.C.E. (7:2, 28; 8:2; 9:2; 12:5, 7, 8) Ang dalawang bahagi ay bumubuo ng iisang nagkakasuwatong aklat.
-
-
Aklat ng Bibliya Bilang 27—Daniel“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
7. Papaano nakapasok si Daniel at ang mga kasama niya sa paglilingkod sa pamahalaan ng Babilonya?
7 Paghahanda sa paglilingkod sa Estado (1:1-21). Dumating si Daniel sa Babilonya kasama ng mga Judiong bihag. Dumating din ang sagradong mga kasangkapan ng templo sa Jerusalem, upang itago sa isang paganong gusali-ng-yaman. Si Daniel at ang tatlong kasamang Hebreo ay kabilang sa mga maharlikang kabataang Judeano na pinili para sa tatlong-taóng kurso ng pagsasanay sa palasyo ng hari. Desididong huwag dumhan ang sarili sa mga paganong putahe at alak ng hari, nagmungkahi si Daniel ng sampung-araw na diyeta ng gulay. Lumitaw na pabor ito kay Daniel at sa mga kasama niya, at sila’y binigyan ng Diyos ng kaalaman at karunungan. Ang apat ay inatasan ni Nabukodonosor na tumayo bilang mga tagapayo. Ayon sa huling talata ng kabanata 1, na malamang na idinagdag noong tapos nang isulat ang naunang bahagi, si Daniel ay naglilingkod pa rin sa palasyo 80 taon makaraan siyang itapon, o noong mga 538 B.C.E.
-