-
‘Pag-akay sa Marami Tungo sa Katuwiran’Ang Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Setyembre
-
-
6. Ano ang mangyayari pagkatapos makaligtas ang malaking pulutong sa malaking kapighatian? Ipaliwanag. (Tingnan din ang tungkol sa pagkabuhay-muli sa lupa sa “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” na nasa isyung ito.)
6 Basahin ang Daniel 12:2. Ano ang mangyayari pagkatapos na makaligtas ang malaking pulutong sa panahong ito ng kapighatian? Ang hulang ito ay hindi tumutukoy sa isang makasagisag o espirituwal na pagkabuhay-muli ng mga lingkod ng Diyos na mangyayari sa mga huling araw, gaya ng pagkaunawa natin dati.c Sa halip, ang tinutukoy rito ay ang pagkabuhay-muli ng mga patay na mangyayari sa bagong sanlibutan. Bakit natin nasabi iyan? Ang salitang “alabok” ay ginamit din sa Job 17:16 bilang katumbas ng salitang “Libingan.” Ipinapakita nito na ang tinutukoy sa Daniel 12:2 ay literal na pagkabuhay-muli na mangyayari pagkatapos ng mga huling araw at ng digmaan ng Armagedon.
7. (a) Ano ang ibig sabihin na ang ilan ay bubuhaying muli “tungo sa buhay na walang hanggan”? (b) Bakit ito “mas mabuting pagkabuhay-muli”?
7 Sinabi ng Daniel 12:2 na ang ilan ay bubuhaying muli “tungo sa buhay na walang hanggan.” Ano ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na ang mga bubuhaying muli at kikilala, o patuloy na kikilala, at susunod kay Jehova at kay Jesus sa loob ng 1,000 taon ay siguradong tatanggap ng buhay na walang hanggan. (Juan 17:3) “Mas mabuting pagkabuhay-muli” ito kaysa sa mga binuhay-muli noon. (Heb. 11:35) Bakit? Dahil namatay rin ang di-perpektong mga taong iyon na binuhay-muli.
8. Ano ang ibig sabihin na ang ilan ay bubuhaying muli “tungo sa kahihiyan at walang-hanggang kadustaan”?
8 Pero may mga bubuhaying muli na hindi tutugon sa pagtuturo ni Jehova. Inihula ni Daniel na ang ilan ay bubuhaying muli “tungo sa kahihiyan at walang-hanggang kadustaan.” Dahil magrerebelde sila, hindi mapapasulat ang pangalan nila sa aklat ng buhay at hindi sila tatanggap ng buhay na walang hanggan. Sa halip, tatanggap sila ng “walang-hanggang kadustaan,” o pagkapuksa. Kaya ang tinutukoy sa Daniel 12:2 na kahihinatnan ng lahat ng bubuhaying muli ay base sa gagawin nila pagkatapos nilang buhaying muli.d (Apoc. 20:12) Tatanggap ang ilan ng buhay na walang hanggan; ang iba naman ay hindi.
-
-
‘Pag-akay sa Marami Tungo sa Katuwiran’Ang Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Setyembre
-
-
a Makikita sa artikulong ito ang pagbabago sa unawa natin tungkol sa malawak na programa ng pagtuturo na inilarawan sa Daniel 12:2, 3. Aalamin natin kung kailan ito mangyayari at kung sino ang makikibahagi sa gawaing ito. Makikita rin natin kung paano ihahanda ng programang ito ng pagtuturo ang mga nasa lupa para sa huling pagsubok pagkatapos ng Sanlibong-Taóng Paghahari ni Kristo.
-
-
‘Pag-akay sa Marami Tungo sa Katuwiran’Ang Bantayan (Pag-aaral)—2022 | Setyembre
-
-
c Ang paliwanag na ito ay pagbabago sa pagkaunawa natin sa kabanata 17 ng aklat na Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! at sa Bantayan, Hulyo 1, 1987, p. 21-25.
d Sa kabaligtaran, ang mga salitang “matuwid” at “di-matuwid” sa Gawa 24:15 at ang mga salitang “mga gumawa ng mabubuting bagay” at “mga gumawa ng masasamang bagay” sa Juan 5:29 ay nakapokus sa paggawi ng mga bubuhaying muli bago sila namatay.
-