-
Pagkilala sa mga Tunay na Mananamba sa Panahon ng KawakasanMagbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
-
-
21. (a) Ang yugto ng panahong inihula sa Daniel 12:11 ay magsisimula kapag umiral na ang anong kalagayan? (b) Ano ang “palagiang handog,” at kailan ito inalis? (Tingnan ang kahon sa pahina 298.)
21 Sinabihan si Daniel: “Mula sa panahon na ang palagiang handog ay alisin at maganap ang paglalagay ng kasuklam-suklam na bagay na sanhi ng pagkatiwangwang, magkakaroon ng isang libo dalawang daan at siyamnapung araw.” Kaya ang yugtong ito ng panahon ay magsisimula kapag umiral na ang ilang mga kalagayan. “Ang palagiang handog”—o “ang patuluyang handog”a—ay kailangang alisin. (Daniel 12:11, talababa sa Ingles) Anong handog ang nais sabihin ng anghel? Hindi ang mga handog na hayop na inihahain sa alinmang makalupang templo. Aba, maging ang templo na dating nakatayo sa Jerusalem ay isa lamang “kopya ng katunayan”—ang dakilang espirituwal na templo ni Jehova, na nagpasimulang kumilos nang si Kristo ay maging Mataas na Saserdote nito noong 29 C.E.! Sa espirituwal na templong ito, na kumakatawan sa kaayusan ng Diyos para sa dalisay na pagsamba, hindi na kailangan pa ang patuluyang mga handog sa kasalanan, yamang ‘si Kristo ay inihandog nang minsanan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami.’ (Hebreo 9:24-28) Gayunman, ang lahat ng mga tunay na Kristiyano ay naghahandog nga ng mga hain sa templong ito. Si apostol Pablo ay sumulat: “Sa pamamagitan niya [Kristo] ay lagi tayong maghandog sa Diyos ng hain ng papuri, alalaong baga, ang bunga ng mga labi na gumagawa ng pangmadlang pagpapahayag sa kaniyang pangalan.” (Hebreo 13:15) Kaya ang unang kalagayang ito ng hula—ang pag-aalis ng “palagiang handog”—ay nangyari sa kalagitnaan ng 1918 nang ang gawaing pangangaral ay pansamantalang napatigil.
22. (a) Ano ang “kasuklam-suklam na bagay” na sanhi ng pagkatiwangwang, at kailan ito nailagay? (b) Kailan nagsimula ang yugto ng panahong inihula sa Daniel 12:11, at kailan ito nagwakas?
22 Subalit, kumusta naman ang tungkol sa ikalawang kalagayan—ang “paglalagay,” o pagtatalaga, ng “kasuklam-suklam na bagay na sanhi ng pagkatiwangwang”? Gaya ng ating nakita na sa ating pagtalakay ng Daniel 11:31, ang kasuklam-suklam na bagay na ito sa pasimula ay ang Liga ng mga Bansa at sa dakong huli ay lumitaw na muli bilang ang Nagkakaisang mga Bansa. Ang mga ito ay kapuwa kasuklam-suklam sa bagay na sila’y ipinangalandakan bilang ang tanging pag-asa para sa kapayapaan sa lupa. Kaya, sa puso ng marami, ang mga institusyong ito ay talagang kumuha sa dako ng Kaharian ng Diyos! Ang Liga ay opisyal na ipinanukala noong Enero 1919. Nang panahong iyon, kung gayon, natupad na ang dalawang kalagayan sa Daniel 12:11. Kaya ang 1,290 araw ay nagsimula sa unang bahagi ng 1919 at nagpatuloy hanggang sa taglagas (Hilagang Hemispero) ng 1922.
23. Paano sumulong ang mga banal ng Diyos tungo sa nilinis na kalagayan noong 1,290 araw na inihula sa Daniel kabanata 12?
23 Noong panahong iyon, sumulong ba ang mga banal tungo sa pagiging pinaputi at nilinis sa mata ng Diyos? Tunay na tunay! Noong Marso 1919 ang presidente ng Samahang Watch Tower at ang kaniyang malapit na mga kasama ay pinalaya mula sa bilangguan. Pagkatapos sila ay pinawalang-sala sa lahat ng maling paratang laban sa kanila. Sa pagkakaalam na ang kanilang gawain ay hindi pa natatapos, sila’y karaka-rakang naging abala, anupat nag-organisa ng isang kombensiyon para sa Setyembre 1919. Noong taon ding iyon, isang kasamang magasin ng The Watch Tower ang inilathala sa unang pagkakataon. Orihinal na tinawag na The Golden Age (ngayo’y Awake!), ito’y laging sumusuporta sa The Watchtower sa walang-takot na paglalantad ng katiwalian ng sanlibutang ito at sa pagtulong sa bayan ng Diyos na makapanatiling malinis. Sa katapusan ng inihulang 1,290 araw, ang mga banal ay patungo na sa isang nilinis at isinauling kalagayan. Noong Setyembre 1922, tamang-tamang sa panahon ng pagtatapos ng yugtong ito, sila’y nagdaos ng isang makasaysayang kombensiyon sa Cedar Point, Ohio, E.U.A. Ito’y nagbigay ng napakalaking pampasigla sa gawaing pangangaral. Gayunman, kailangan pa ring gumawa ng higit pang pagsulong. Iyon ay para sa susunod na itinakdang panahon.

[Kahon sa pahina 298]
PAG-AALIS NG PALAGIANG HANDOG
Sa aklat ng Daniel, ang terminong “palagiang handog” ay lumilitaw ng limang ulit. Ito’y tumutukoy sa isang hain ng papuri—“ang bunga ng mga labi”—na regular na inihahain sa Diyos na Jehova ng kaniyang mga lingkod. (Hebreo 13:15) Ang inihulang pag-aalis nito ay tinukoy sa Daniel 8:11, 11:31, at 12:11.
Sa panahon ng dalawang digmaang pandaigdig, ang bayan ni Jehova ay matinding pinag-usig sa mga lugar na nasasakupan ng “hari ng hilaga” at “hari ng timog.” (Daniel 11:14, 15) Ang pag-aalis ng “palagiang handog” ay naganap sa pagtatapos ng Digmaang Pandaigdig I nang halos mapatigil ang gawaing pangangaral noong kalagitnaan ng 1918. (Daniel 12:7) Noong Digmaang Pandaigdig II, “ang palagiang handog” ay ‘inalis’ sa loob ng 2,300 araw ng Kapangyarihang Pandaigdig ng Anglo-Amerikano. (Daniel 8:11-14; tingnan ang Kabanata 10 ng aklat na ito.) Ito’y inalis din ng “mga bisig” ng Nazi sa loob ng isang yugto ng panahong hindi tiniyak sa Kasulatan.—Daniel 11:31; tingnan ang Kabanata 15 ng aklat na ito.
-
-
Pagkilala sa mga Tunay na Mananamba sa Panahon ng KawakasanMagbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
-
-
1,290 araw: Enero 1919 hanggang
Daniel 12:11 Setyembre 1922
(Ang pinahirang mga Kristiyano ay nagising at
sumulong sa espirituwal.)
-