BET-AVEN
[Bahay ng Pananakit (Bagay na Nakasasakit)].
1. Isang bayan sa teritoryo ng tribo ni Benjamin, malapit sa sinaunang lunsod ng Ai. (Jos 7:2; 18:11, 12) Ito ay nasa ilang, nasa S ng Bethel at K ng Micmash, at umabot dito ang isang natatanging pagbabaka nang maitaboy nina Saul at Jonatan ang mga Filisteo mula sa Micmash.—1Sa 13:5; 14:23.
2. Sa pananaghoy dahil sa idolatriyang isinasagawa ng Israel noong kaniyang panahon, binanggit ng propetang si Oseas ang Bet-aven kasama ang Gibeah at Rama, iba pang prominenteng mga lunsod ng Benjamin. (Os 4:15; 5:8; 10:5, 8) Waring sa mapanghamak na diwa ikinapit ng propeta ang pangalang ito sa lunsod ng Bethel, na dating isang ‘bahay ng Diyos’ ngunit naging isang ‘bahay ng bagay na nakasasakit’ dahil sa pagsamba sa guya na itinatag doon.—1Ha 12:28-30.