-
Pakikinig kay Jehova Habang Palapit ang WakasAng Bantayan—1987 | Mayo 15
-
-
15. Paano inilalarawan ni Joel ang pagdurog sa sistemang ito, at ano ang magiging resulta para sa mga lingkod ng Diyos?
15 Ang Joel 3:13-16 ay tumutukoy rin sa pagkaligtas ng mga lingkod ng Diyos pagka ang sistemang ito ay dinurog na gaya ng mga ubas sa alilisan ng alak. Sinasabi nito: “Gamitin ninyo ang karit, sapagkat hinog na ang aanihin. . . . Ang kamalig ng alak ay umaapaw; sapagkat ang kanilang kasamaan ay naging malaki na. Mga karamihan, mga karamihan ang nasa libis ng pasiya, sapagkat malapit na ang araw ni Jehova sa libis ng pasiya. Araw at buwan ay magdidilim nga, at ang mismong mga bituin ay aktuwal na hindi magbibigay ng kanilang liwanag. At buhat sa [makalangit na] Sion ay uungal si Jehova mismo . . . Mayayanig nga ang langit at lupa; ngunit si Jehova ay magiging kanlungan sa kaniyang bayan.”
-
-
Pakikinig kay Jehova Habang Palapit ang WakasAng Bantayan—1987 | Mayo 15
-
-
[Larawan sa pahina 18]
Pagka ang sistemang ito ay dinurog na gaya ng mga ubas sa alilisan ng alak, “si Jehova ay magiging kanlungan ukol sa kaniyang bayan”
-