KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GENESIS 9-11
‘Iisa Lang ang Wika ng Buong Lupa’
Noon, ginulo ni Jehova ang wika ng masuwaying mga tao sa Babel para mangalat sila. Pero sa ngayon, tinitipon niya ang isang malaking pulutong mula sa lahat ng bansa at wika. Binigyan niya sila ng “dalisay na wika” para “makatawag sa pangalan ni Jehova at maglingkod sa kaniya nang balikatan.” (Zef 3:9; Apo 7:9) Ang “dalisay na wika” ay ang katotohanan tungkol kay Jehova at sa kaniyang mga layunin na mababasa sa Kasulatan.
Ang pag-aaral ng bagong wika ay hindi lang basta pagsasaulo ng mga bagong salita. Kasama rito ang pagbabago ng paraan ng pag-iisip. Kaya para matutuhan ang dalisay na wika ng katotohanan, kailangan din nating baguhin ang paraan ng ating pag-iisip. (Ro 12:2) Isa itong patuluyang proseso na mahalaga para magkaisa ang bayan ng Diyos.—1Co 1:10.