-
“Yayaon Kaming Kasama Ninyo”Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Enero
-
-
1, 2. (a) Ano ang sinabi ni Jehova na mangyayari sa panahon natin? (b) Anong mga tanong ang sasagutin sa artikulong ito? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
SINABI ni Jehova tungkol sa panahon natin: “Mangyayari sa mga araw na iyon na sampung lalaki mula sa lahat ng wika ng mga bansa ang tatangan, oo, tatangan sila sa laylayan ng lalaki na isang Judio, na sinasabi: ‘Yayaon kaming kasama ninyo, sapagkat narinig namin na ang Diyos ay sumasainyo.’” (Zac. 8:23) Gaya ng makasagisag na 10 lalaki, ang mga may makalupang pag-asa ay ‘tatangan sa laylayan ng lalaki na isang Judio.’ Ikinararangal nilang makasama ang pinahiran-ng-espiritung “Israel ng Diyos” dahil alam nilang pinagpapala ni Jehova ang mga ito.—Gal. 6:16.
-
-
“Yayaon Kaming Kasama Ninyo”Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Enero
-
-
4. Kung imposibleng malaman ang mga pangalan ng lahat ng pinahiran sa lupa ngayon, paano tayo ‘yayaong kasama’ nila?
4 Kung imposibleng matiyak ang mga pangalan ng lahat ng kabilang sa espirituwal na Israel sa ngayon, paano ‘yayaong kasama’ nila ang ibang mga tupa? Pansinin ang inihula ni Zacarias tungkol sa makasagisag na 10 lalaki. Sinabi niya na “tatangan sila sa laylayan ng lalaki na isang Judio, na sinasabi: ‘Yayaon kaming kasama ninyo, sapagkat narinig namin na ang Diyos ay sumasainyo.’” Bagaman iisang Judio lang ang binabanggit, ginamit ang mga salitang “ninyo” at “sumasainyo,” na nasa anyong pangmaramihan. Kung gayon, ang espirituwal na Judiong ito ay malamang na isang grupo, hindi lang iisang indibiduwal! Kaya naman hindi natin kailangang tukuyin kung sino-sino ang espirituwal na Judio para sumama sa kanila. Sa halip, kailangan natin silang makilala bilang isang grupo at suportahan sila. Hindi tayo kailanman hinihimok ng Kasulatan na sumunod sa iisang indibiduwal maliban sa ating Lider na si Jesus.—Mat. 23:10.
-