Pinatutunayan Ba ng mga Hula sa Bibliya na si Jesus ang Mesiyas?
Ang sagot ng Bibliya
Oo. Noong nasa lupa si Jesus, tinupad niya ang maraming hula tungkol sa “Mesiyas na Lider,” na magiging “Tagapagligtas ng sanlibutan.” (Daniel 9:25; 1 Juan 4:14) At kahit pagkamatay niya, patuloy na tinupad ni Jesus ang mga hula tungkol sa Mesiyas.—Awit 110:1; Gawa 2:34-36.
Ano ang ibig sabihin ng “Mesiyas”?
Ang terminong Hebreo na Ma·shiʹach (Mesiyas) at ang katumbas na salitang Griego na Khri·stos (Kristo) ay parehong nangangahulugang “Pinahiran.” Kaya naman, ang “Jesu-Kristo” ay nangangahulugang “Jesus na Pinahiran,” o “Jesus na Mesiyas.”
Noong panahon ng Bibliya, kapag ang isang tao ay hinirang sa isang pantanging posisyon ng awtoridad, pinapahiran siya sa pamamagitan ng pagbubuhos ng langis sa kaniyang ulo. (Levitico 8:12; 1 Samuel 16:13) Hinirang ng Diyos si Jesus bilang Mesiyas—isang napakataas na posisyon ng awtoridad. (Gawa 2:36) Pero sa halip na langis, pinahiran ng Diyos si Jesus sa pamamagitan ng banal na espiritu.—Mateo 3:16.
Posible bang hindi lang isang tao ang tutupad sa mga hula tungkol sa Mesiyas?
Hindi. Kung paanong ang fingerprint ay pagkakakilanlan ng iisang tao, ang katuparan ng mga hula sa Bibliya ay tumutukoy lang sa iisang Mesiyas, o Kristo. Pero nagbababala ang Bibliya na “ang mga bulaang Kristo at ang mga bulaang propeta ay babangon at magbibigay ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan upang iligaw, kung maaari, maging ang mga pinili.”—Mateo 24:24
Lilitaw ba ang Mesiyas sa hinaharap?
Hindi. Inihula ng Bibliya na ang Mesiyas ay manggagaling sa angkan ni Haring David ng Israel. (Awit 89:3, 4) Pero wala na ang mga rekord ng talaangkanan ng mga Judio mula noong panahon ni David. Lumilitaw na nasira ang mga ito nang sakupin ng mga Romano ang Jerusalem noong 70 C.E.a Dahil diyan, imposible nang mapatunayan ng sinumang nag-aangkin na nagmula siya sa maharlikang pamilya ni David. Sa kabaligtaran, kahit mayroon pang mga rekord ng talaangkanan noong panahon ni Jesus, hindi mapabulaanan ng mga kaaway niya na siya ay nagmula sa angkan ni David.—Mateo 22:41-46.
Ilang hula tungkol sa Mesiyas ang nakaulat sa Bibliya?
Imposibleng matukoy ang eksaktong bilang ng mga hula tungkol sa Mesiyas. Halimbawa, puwedeng magkakaiba ang paraan ng pagbilang sa mga hula na malinaw na tumutukoy sa Mesiyas. Ang ulat sa Isaias 53:2-7 ay bumabanggit ng ilang makahulang paglalarawan tungkol sa Mesiyas. Puwedeng bilangin ng iba ang buong ulat na ito bilang iisang hula; baka ituring naman ito ng iba bilang magkakahiwalay na hula.
Mga hula tungkol sa Mesiyas na natupad kay Jesus
Hula |
Mababasa sa |
Katuparan |
---|---|---|
Binhi o supling ni Abraham |
||
Inapo ng anak ni Abraham na si Isaac |
||
Ipinanganak sa tribo ng Juda sa Israel |
||
Mula sa maharlikang angkan ni Haring David |
||
Isinilang ng isang birhen |
||
Ipinanganak sa Betlehem |
||
Tatawagin sa pangalang Emmanuelb |
||
Hamak na pasimula |
||
Pinatay ang mga bata pagkatapos siyang ipanganak |
||
Tinawag mula sa Ehipto |
||
Tinawag na Nazarenoc |
||
Pinangunahan ng isang mensahero |
||
Pinahiran bilang Mesiyas noong 29 C.E.d |
||
Kinilala ng Diyos bilang Kaniyang Anak |
||
Masigasig para sa bahay ng Diyos |
||
Tagapaghayag ng mabuting balita |
||
Ministeryo sa Galilea, isang matinding liwanag |
||
Gumawa ng mga himala gaya ni Moises |
||
Sinalita niya ang mga kaisipan ng Diyos gaya ni Moises |
||
Pinagaling ang sakit ng marami |
||
Hindi siya nagpasikat |
||
Nagpakita siya ng habag sa iba |
||
Ipinakita niya ang katarungan ng Diyos |
||
Isang Kamangha-manghang Tagapayo |
||
Ipinahayag niya ang pangalan ni Jehova |
||
Nagsalita gamit ang mga ilustrasyon |
||
Isang Lider |
||
Marami ang hindi naniwala sa kaniya |
||
Isang batong katitisuran |
||
Itinakwil ng mga tao |
||
Kinapootan nang walang dahilan |
||
Matagumpay na pumasok sa Jerusalem sakay ng isang asno |
||
Pinapurihan ng mga bata |
||
Dumating sa pangalan ni Jehova |
||
Tinraidor ng pinagkakatiwalaang kasamahan |
||
Tinraidor kapalit ng 30 pirasong pilake |
||
Iniwan ng mga kaibigan niya |
||
Tumestigo ang huwad na mga saksi laban sa kaniya |
||
Nanahimik sa harap ng mga tagapag-akusa |
||
Dinuraan |
||
Hinampas sa ulo |
||
Sinaktan |
||
Hindi lumaban sa mga nanakit sa kaniya |
||
Nagsabuwatan ang mga lider ng gobyerno laban sa kaniya |
||
Ipinako sa tulos ang kaniyang mga kamay at paa |
||
Nagpalabunutan (nagsugal) ang mga tao para sa kaniyang damit |
||
Ibinilang kasama ng mga makasalanan |
||
Nilait, ininsulto |
||
Nagdusa para sa mga makasalanan |
||
Parang pinabayaan ng Diyos |
||
Binigyan ng sukà at apdo para inumin |
||
Nauhaw bago mamatay |
||
Ipinagkatiwala ang espiritu sa Diyos |
||
Ibinigay ang kaniyang buhay |
||
Inilaan ang pantubos para alisin ang kasalanan |
||
Hindi binali ang mga buto |
||
Inulos |
||
Inilibing kasama ng mayayaman |
||
Ibinangon mula sa mga patay |
||
Pinalitan ang nagkanulo sa kaniya |
||
Umupo sa kanan ng Diyos |
a Sinabi ng Cyclopedia nina McClintock at Strong: “Tiyak na ang mga rekord ng talaangkanan ng mga tribo at pami-pamilya ng mga Judio ay nasira nang mawasak ang Jerusalem, at hindi bago nito.”
b Ang pangalang Hebreo na Emmanuel, ibig sabihin, “Sumasaatin ang Diyos,” ay angkop na naglalarawan sa papel ni Jesus bilang Mesiyas. Ang presensiya niya sa lupa at ang mga ginawa niya ay patunay na ang Diyos ay kasama ng Kaniyang mga lingkod.—Lucas 2:27-32; 7:12-16.
c Lumilitaw na ang terminong “Nazareno” ay nagmula sa salitang Hebreo na neʹtser, na nangangahulugang “sibol.”
d Para sa detalye ng kronolohiya ng Bibliya na tumutukoy sa 29 C.E. bilang paglitaw ng Mesiyas, tingnan ang artikulong “Kung Paano Inihula ni Daniel ang Pagdating ng Mesiyas.”
e Ang hulang ito ay nasa aklat ng Zacarias, pero sinabi ng manunulat ng Bibliya na si Mateo na ito ay “sinalita sa pamamagitan ni Jeremias na propeta.” (Mateo 27:9) Lumilitaw na kung minsan, inilalagay ang aklat ng Jeremias sa unahan ng seksiyon ng Kasulatan na tinatawag na “mga Propeta.” (Lucas 24:44) Malinaw na ginamit ni Mateo ang “Jeremias” para tukuyin ang buong koleksiyong iyon ng mga aklat na kinabibilangan ng Zacarias.