-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2014 | Disyembre 15
-
-
Mababasa natin sa Jeremias 31:15: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Sa Rama ay naririnig ang isang tinig, pagtaghoy at mapait na pagtangis; si Raquel ay tumatangis dahil sa kaniyang mga anak. Siya ay tumangging maaliw dahil sa kaniyang mga anak, sapagkat sila ay wala na.’”
-
-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2014 | Disyembre 15
-
-
Anuman ang totoo, ang sinabi ni Jeremias may kinalaman sa pagtangis ni Raquel dahil sa kaniyang mga anak ay nagsilbing hula tungkol sa nangyari makalipas ang ilang siglo nang manganib ang buhay ng batang si Jesus. Iniutos ni Haring Herodes na lahat ng batang lalaki na dalawang taon pababa ang edad sa Betlehem, na nasa timugang bahagi ng Jerusalem, ay patayin. Kaya ang mga anak na iyon ay wala na; namatay sila. Isip-isipin ang pagtangis ng mga inang namatayan ng anak! Ang mga pagtangis na iyon ay para bang maririnig hanggang sa Rama, na nasa hilagang bahagi ng Jerusalem.—Mat. 2:16-18.
Kaya naman kapuwa noong panahon ni Jeremias at panahon ni Jesus, ang pagtangis ni Raquel dahil sa kaniyang mga anak ay angkop na paglalarawan sa pagdadalamhati ng mga inang Judio dahil sa kanilang mga anak na pinatay. Siyempre pa, ang mga namatay at napunta sa “lupain ng kaaway” na kamatayan ay makababalik mula sa pagiging bihag ng kaaway na ito kapag binuhay-muli ang mga patay.—Jer. 31:16; 1 Cor. 15:26.
-