-
Sa Di-inaasahan ay Naging AlagadAng Bantayan—1987 | Mayo 15
-
-
Samantalang palapit kay Jesus ang taong iyon at nanikluhod sa kaniyang mga paa, siya’y pinasigaw ng mga demonyo na sumusupil sa kaniya: “Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Kita’y aking pinanunumpa alang-alang sa Diyos na huwag mo akong pahirapan.”
-
-
Sa Di-inaasahan ay Naging AlagadAng Bantayan—1987 | Mayo 15
-
-
“Ang pangalan ko ay Pulutong, sapagkat marami kami,” ang salot. Ang mga demonyo ay natutuwa na makita ang mga paghihirap niyaong kanilang inaalihan, maliwanag na sila’y natutuwa na magpulu-pulutong upang mapasukan nila ang mga biktima nila taglay ang may kaduwagang espiritu ng pang-uumog. Subalit nang mapaharap sila kay Jesus, kanilang ipinamanhik na huwag silang ihagis sa kalaliman. Muli na namang nakikita natin ang dakilang kapangyarihan na taglay ni Jesus upang supilin kahit na ang karumal-dumal na mga demonyo. Isinisiwalat din nito na alam ng mga demonyo na balang araw sila ay ihahagis sa kalaliman kasama ang kanilang lider, si Satanas na Diyablo, bilang sa wakas kahatulan ng Diyos sa kanila.
-