-
“Dahil sa Awa”Halika Maging Tagasunod Kita
-
-
15, 16. Ano ang dalawang pangyayari na nagpapakita kung ano ang tingin ni Jesus sa mga pinangaralan niya?
15 Noong 31 C.E., pagkatapos ng mga dalawang taóng lubusang pangangaral ni Jesus, may ginawa pa siya. “Lumibot [siya] sa lahat ng lunsod at nayon” sa Galilea. Ano ang naramdaman niya? Ito ang sinabi ni apostol Mateo: “Pagkakita sa napakaraming tao, naawa siya sa kanila dahil sila ay sugatán at napabayaan tulad ng mga tupang walang pastol.” (Mateo 9:35, 36) Naawa si Jesus sa mga tao. Alam niyang gusto nilang mapalapít sa Diyos pero kulang ang kaalaman nila. Alam din niyang hindi sila tinuturuan ng mga lider ng relihiyon tungkol sa Diyos, at na hindi maganda ang pagtrato ng mga ito sa kanila. Dahil sa matinding awa, ginawa ni Jesus ang lahat para sabihin sa mga tao ang mensahe ng pag-asa. Talagang kailangan nila ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.
-
-
“Dahil sa Awa”Halika Maging Tagasunod Kita
-
-
18 Dapat na pareho sa tingin ni Jesus ang tingin natin sa mga tao—“sugatán at napabayaan tulad ng mga tupang walang pastol.” Isipin mong may nakita kang naliligaw na tupa. Kung walang pastol na aakay sa kaniya sa tubig at pastulan, mauuhaw at magugutom ang kawawang tupa. Hindi ba’t maaawa ka at gagawin ang lahat para pakainin at painumin ang tupang iyon? Parang nawawalang tupa ang maraming tao ngayon. Hindi pa nila alam ang mabuting balita. At dahil hindi sila tinuturuan ng mga lider ng relihiyon, gutom sila at uhaw sa katotohanan mula sa Salita ng Diyos at wala silang tunay na pag-asa sa hinaharap. Maibibigay natin ang kailangan nila: ang masustansiyang espirituwal na pagkain at nakakarepreskong tubig ng katotohanan sa Salita ng Diyos. (Isaias 55:1, 2) Kapag nakikita nating kailangang-kailangan nila ang Diyos, talagang maaawa tayo sa kanila. At kung maaawa tayo sa kanila, gaya ni Jesus, gagawin din natin ang lahat para sabihin sa kanila ang pag-asang ibibigay ng Kaharian.
-