ABIUD
[posible, Ang Ama ay Dangal].
Ang anyong Griego o Ingles ng pangalang Hebreo na Abihud. Isang inapo ni Zerubabel at ninuno ni Kristo Jesus. (Mat 1:13) Ang terminong “naging anak” ayon sa pagkagamit ni Mateo ay maaaring nangangahulugang “naging inapo.” Iminumungkahi ng ilang iskolar na maaaring siya rin ang “Joda” sa Lucas 3:26. Gayunman, hindi kailangang ituring na iisang indibiduwal ang mga taong ito, yamang ang mga linya ng angkan na itinala nina Mateo at Lucas ay magkatulad lamang, hindi parehung-pareho, samantalang yaong mga nasa Unang Cronica ang mas kumpleto. Ang anak ni Abiud na si Eliakim ay kabilang din sa linya ng angkan ng Mesiyas.—Mat 1:13.