-
“Narito! Ako ay Sumasainyo sa Lahat ng mga Araw”Ang Bantayan—2013 | Hulyo 15
-
-
13. Ayon sa Apocalipsis 18:7, ano ang saloobin ngayon ng patutot, o Babilonyang Dakila, kabilang na ang Sangkakristiyanuhan?
13 Ikatlo, pagtangis at pagngangalit. Pagkatapos ibungkos ng mga anghel ang panirang-damo, ano ang mangyayari? Sinabi ni Jesus tungkol sa kalagayan ng uring panirang-damo: “Doon mangyayari ang kanilang pagtangis at ang pagngangalit ng kanilang mga ngipin.” (Mat. 13:42) Nangyayari na ba iyan ngayon? Hindi pa. Sinasabi pa rin ng Sangkakristiyanuhan, bilang bahagi ng patutot, tungkol sa kaniyang sarili: “Ako ay nakaupong isang reyna, at hindi ako balo, at hindi ko kailanman makikita ang pagdadalamhati.” (Apoc. 18:7) Oo, pakiramdam ng Sangkakristiyanuhan ay kontrolado pa rin niya ang mga bagay-bagay, na iniisip pa ngang ‘nakaupo siyang reyna’ sa ibabaw ng mga pulitikal na lider. Sa ngayon, ang mga uring panirang-damo ay nagyayabang, hindi tumatangis. Pero malapit nang magbago ang sitwasyon.
14. (a) Kailan at bakit ‘magngangalit ang mga ngipin’ ng mga dating tagasuporta ng huwad na relihiyon? (b) Paanong ang pagbabago sa pagkaunawa natin sa Mateo 13:42 ay kaayon ng sinabi sa Awit 112:10? (Tingnan ang talababa.)
14 Sa malaking kapighatian, kapag nawasak na ang lahat ng organisadong huwad na relihiyon, ang mga dating tagasuporta nito ay hahanap ng kublihan pero wala silang makikitang ligtas na kanlungan. (Luc. 23:30; Apoc. 6:15-17) Pagkatapos, kapag nakita nilang hindi na sila makakaiwas sa pagkapuksa, tatangis sila sa kawalang-pag-asa at ‘magngangalit ang kanilang mga ngipin’ sa galit. Gaya ng inihula ni Jesus tungkol sa malaking kapighatian, sa malagim na sandaling iyon, “dadagukan [nila] ang kanilang sarili sa pananaghoy.”e—Mat. 24:30; Apoc. 1:7.
15. Ano ang mangyayari sa mga panirang-damo, at kailan iyan magaganap?
15 Ikaapat, paghahagis sa hurno. Ano ang mangyayari sa mga bungkos ng panirang-damo? “Ihahagis sila [ng mga anghel] sa maapoy na hurno.” (Mat. 13:42) Nangangahulugan iyan ng lubusang pagkapuksa. Kaya ang mga dating tagasuporta ng huwad na relihiyon ay pupuksain sa huling bahagi ng malaking kapighatian, sa Armagedon.—Mal. 4:1.
-
-
“Narito! Ako ay Sumasainyo sa Lahat ng mga Araw”Ang Bantayan—2013 | Hulyo 15
-
-
e Parapo 14: Ito ay pagbabago sa ating pagkaunawa sa Mateo 13:42. Binabanggit noon sa ating mga publikasyon na ang mga huwad na Kristiyano ay ilang dekada nang ‘tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin’ dahil inilantad ng “mga anak ng kaharian” kung sino talaga sila—“mga anak ng isa na balakyot.” (Mat. 13:38) Gayunman, pansinin na ang pagngangalit ng mga ngipin ay iniuugnay sa pagkapuksa.—Awit 112:10.
-