-
“Narito! Ako ay Sumasainyo sa Lahat ng mga Araw”Ang Bantayan—2013 | Hulyo 15
-
-
16, 17. (a) Ano ang huling pangyayari na binanggit ni Jesus sa kaniyang ilustrasyon? (b) Bakit natin masasabi na ang pangyayaring iyon ay sa hinaharap pa matutupad?
16 Ikalima, pagsikat nang maliwanag. Tinapos ni Jesus ang hula sa pagsasabi: “Sa panahong iyon ang mga matuwid ay sisikat nang maliwanag na gaya ng araw sa kaharian ng kanilang Ama.” (Mat. 13:43) Kailan at saan iyan magaganap? Sa hinaharap pa matutupad ang mga salitang iyan. Ang inihula ni Jesus ay isang pangyayaring hindi nagaganap ngayon sa lupa kundi isang pangyayaring magaganap sa langit sa hinaharap.f Pag-isipan ang dalawang dahilan kung bakit.
17 Una, ang tanong na “kailan.” Sinabi ni Jesus: “Sa panahong iyon ang mga matuwid ay sisikat.” Ang pananalitang “sa panahong iyon” ay maliwanag na tumutukoy sa pangyayaring kababanggit lang ni Jesus, ang ‘paghahagis sa mga panirang-damo sa maapoy na hurno.’ Magaganap iyan sa huling bahagi ng malaking kapighatian. Kaya tiyak na ang ‘pagsikat nang maliwanag’ ng mga pinahiran ay magaganap din sa panahong iyon sa hinaharap. Ikalawa, ang tanong na “saan.” Sinabi ni Jesus na ang mga matuwid ay ‘sisikat sa kaharian.’ Ano ang ibig sabihin niyan? Ang lahat ng tapat na pinahiran na narito pa sa lupa pagkatapos maganap ang unang bahagi ng malaking kapighatian ay permanente nang natatakan. Pagkatapos, gaya ng binanggit sa hula ni Jesus tungkol sa malaking kapighatian, titipunin sila sa langit. (Mat. 24:31) Doon sila sisikat “sa kaharian ng kanilang Ama,” at di-magtatagal pagkatapos ng digmaan ng Armagedon, magiging bahagi sila ng maligayang kasintahang babae ni Jesus sa “kasal ng Kordero.”—Apoc. 19:6-9.
-
-
“Narito! Ako ay Sumasainyo sa Lahat ng mga Araw”Ang Bantayan—2013 | Hulyo 15
-
-
f Parapo 16: Sinasabi sa Daniel 12:3 na “silang may kaunawaan [mga pinahirang Kristiyano] ay sisikat na gaya ng ningning ng kalawakan.” Habang narito pa sa lupa, ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pakikibahagi sa gawaing pangangaral. Gayunman, ang Mateo 13:43 ay tumutukoy sa panahon na sisikat sila nang maliwanag sa makalangit na Kaharian. Iniisip natin noon na ang dalawang tekstong ito ay parehong tumutukoy sa gawaing pangangaral.
-