-
“Dahil sa Awa”Halika Maging Tagasunod Kita
-
-
3 Kahit napakaraming tao, narinig pa rin sila ni Jesus. Ano kaya ang gagawin niya? Marami siyang iniisip noong panahong iyon. Malapit na siyang mamatay. Alam niyang papahirapan siya at papatayin sa Jerusalem. Pero hindi niya binale-wala ang paghingi ng tulong ng mga lalaki. Huminto siya at sinabing dalhin sila sa kaniya. Sinabi ng dalawang lalaki: “Panginoon, gusto naming makakita.” “Dahil sa awa,” hinipo ni Jesus ang mga mata nila at nakakita sila agad.a Pagkatapos, agad silang sumunod kay Jesus.—Lucas 18:35-43; Mateo 20:29-34.
-
-
“Dahil sa Awa”Halika Maging Tagasunod Kita
-
-
a Ang salitang Griego na isinaling “dahil sa awa” ay itinuturing na isa sa pinakamapuwersang salita sa Griego para sa pagkadama ng awa. Binanggit ng isang reperensiya na ipinapahiwatig ng salitang ito na “hindi lang makakadama ng kirot ang isa dahil sa nakikita niyang pagdurusa ng iba, kundi gusto rin niyang alisin ang pagdurusa.”
-