-
Tayo ba’y Nabubuhay sa mga Huling Araw?Gumising!—1995 | Abril 22
-
-
“Ang bansa ay titindig laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian.”—Mateo 24: 7.
“Ang ikadalawampung siglo—bagaman karaniwan nang isang sosyal na pagsulong at pinasidhi ang pagkabahala ng pamahalaan sa mga buhay ng mahihirap—ay napangibabawan ng machine gun, tangke, B-52, bomba nuklear at, sa wakas, ng missile. Ito’y ipinakikilala ng mga digmaan na mas madugo at mapangwasak kaysa anumang ibang panahon.”—Milestones of History.
“Mga lindol sa iba’t ibang dako.”—Mateo 24:7.
Sa dantaong ito, ang mga lindol na sumusukat mula 7.5 hanggang 8.3 sa Richter scale ay naranasan sa Chile, Tsina, India, Iran, Italya, Hapón, Peru, at Turkey.
-
-
Tayo ba’y Nabubuhay sa mga Huling Araw?Gumising!—1995 | Abril 22
-
-
“Mga kakapusan sa pagkain.”—Mateo 24:7.
“Ang Gutom ay Unti-Unting Lumilitaw Samantalang ang mga Pangkat na Tumutulong ay Nagtatalo,” pahayag ng isang ulong-balita sa magasing New Scientist. Ayon sa dating pangulo ng E.U., ang taggutom ay nagbabantang wasakin ang planeta sa loob ng dalawang dekada. “Sa kabila ng gayong nakatatakot na mga hula,” sabi ng artikulo, “ang dami ng tulong na ibinibigay ng mayayamang bansa para sa pag-unlad ng agrikultura sa nagpapaunlad na mga bansa ay lubhang lumiliit.”
-