-
Kung Ano ang Talagang Kailangan Upang LumigayaAng Bantayan—2004 | Setyembre 1
-
-
Gayunman, maaaring pagtakhan natin kung sa anong paraan matatawag na maligaya ang mga taong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran o yaong mga nagdadalamhati. May makatotohanang pangmalas sa mga kalagayan sa daigdig ang gayong mga indibiduwal. Sila ay “nagbubuntunghininga at dumaraing dahil sa lahat ng karima-rimarim na bagay na ginagawa” sa ating panahon. (Ezekiel 9:4) Hindi naman sila nagiging maligaya dahil diyan. Gayunman, nang malaman nila ang layunin ng Diyos na magdulot ng matuwid na mga kalagayan sa lupa at maglapat ng katarungan sa mga naaapi, walang kahulilip ang kanilang kaligayahan.—Isaias 11:4.
-
-
Kung Ano ang Talagang Kailangan Upang LumigayaAng Bantayan—2004 | Setyembre 1
-
-
Ang mga taong nagdadalamhati, nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, at palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan ay nakababatid sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting kaugnayan sa Maylalang. Nakapagpapaligaya ang mabuting kaugnayan sa mga tao, subalit lalong higit ang mabuting kaugnayan sa Diyos. Oo, ang seryosong mga tao na umiibig sa kung ano ang tama at handang tumanggap ng patnubay mula sa Diyos ay tunay ngang matatawag na maligaya.
-