-
Isinisiwalat ni Jesus ang “Karunungan ng Diyos”Maging Malapít kay Jehova
-
-
6-8. (a) Anong nakakakumbinsing mga dahilan ang ibinibigay ni Jesus upang maiwasan ang pag-aalala? (b) Ano ang nagpapakita na nasasalamin sa payo ni Jesus ang karunungan mula sa itaas?
6 Halimbawa, isaalang-alang ang matalinong payo ni Jesus kung paano haharapin ang pag-aalala tungkol sa materyal na mga bagay, gaya ng sinasabi sa Mateo kabanata 6. “Kaya sinasabi ko sa inyo: Huwag na kayong mag-alala kung ano ang kakainin o iinumin ninyo, o kung ano ang isusuot ninyo,” ang payo ni Jesus sa atin. (Talatang 25) Ang pagkain at damit ay pangunahing mga pangangailangan, at likas lamang na mabahala tungkol sa pagkakaroon ng mga ito. Subalit sinabihan tayo ni Jesus na “huwag . . . mag-alala” tungkol sa mga bagay na ito.b Bakit?
7 Nagbigay si Jesus ng mga nakakukumbinsing dahilan kung bakit hindi dapat mag-alala ang mga alagad niya. Yamang si Jehova ang nagbigay sa atin ng buhay at ng katawan, hindi ba niya kayang maglaan ng pagkain at damit na kailangan natin? (Talata 25) Kung ang Diyos ay naglalaan ng pagkain sa mga ibon at dinaramtan niya ng kagandahan ang mga bulaklak, lalo pa ngang pangangalagaan niya ang mga taong sumasamba sa kaniya! (Talata 26, 28-30) Sa totoo lang, ang di-kinakailangang pag-aalala ay talaga namang walang mararating. Hindi nito mapahahaba ang ating buhay kahit kapiraso.c (Talata 27) Paano natin maiiwasan ang pag-aalala? Pinapayuhan tayo ni Jesus: Patuloy na unahin sa buhay ang pagsamba sa Diyos. Yaong mga gumagawa nito ay makapagtitiwala na lahat ng kanilang pangangailangan sa araw-araw ay “ibibigay” sa kanila ng kanilang Ama sa langit. (Talata 33) Sa dakong huli, nagbigay si Jesus ng napakapraktikal na mungkahi—mamuhay nang paisa-isang araw lang. Bakit natin idaragdag ang mga álalahanín bukas sa mga álalahanín sa araw na ito? (Talata 34) Bukod diyan, bakit mag-aalala sa mga bagay na maaaring hindi naman kailanman mangyayari? Ang pagsunod sa gayong matalinong payo ay makapagliligtas sa atin sa napakaraming dalamhati sa maigting na sanlibutang ito.
-
-
Isinisiwalat ni Jesus ang “Karunungan ng Diyos”Maging Malapít kay Jehova
-
-
b Ang pandiwang Griego na isinaling “mag-alala” ay nangangahulugang “guluhin ang isip.” Gaya ng pagkakagamit sa Mateo 6:25, ito’y tumutukoy sa pagkabahala na may halong takot na gumugulo o humahati sa isip, anupat nawawalan tuloy ng kagalakan sa buhay.
-