-
“Kung Walang Ilustrasyon ay Hindi Siya Nagsasalita sa Kanila”“Halika Maging Tagasunod Kita”
-
-
13 Binanggit din ni Jesus ang iba pang pamilyar na mga detalye tungkol sa daan na “mula sa Jerusalem patungong Jerico.” Ayon sa talinghaga, naglalakbay rin sa daang iyon, una ang isang saserdote at pagkatapos ang isang Levita—pero walang sinuman sa kanila ang huminto upang tulungan ang biktima. (Lucas 10:31, 32) Naglilingkod sa templo sa Jerusalem ang mga saserdote, at tumutulong naman sa kanila ang mga Levita. Maraming saserdote at Levita ang tumitira sa Jerico kapag hindi sila nagtatrabaho sa templo; mga 23 kilometro lamang ang layo ng Jerico sa Jerusalem. Kaya madalas silang makikitang naglalakbay sa daang iyon. Pansinin din na binanggit ni Jesus na ang lalaking naglalakbay ay “bumababa”—hindi umaakyat—sa daan “mula sa Jerusalem.” Nauunawaan ito ng kaniyang mga tagapakinig. Mas mataas kasi ang Jerusalem kaysa sa Jerico. Kaya nga talagang “bumababa” ang isa na naglalakbay “mula sa Jerusalem.”b Maliwanag na isinaalang-alang ni Jesus ang kaniyang mga tagapakinig.
-
-
“Kung Walang Ilustrasyon ay Hindi Siya Nagsasalita sa Kanila”“Halika Maging Tagasunod Kita”
-
-
b Sinabi rin ni Jesus na ang saserdote at ang Levita ay “mula sa Jerusalem,” samakatuwid nga, galing sila sa templo. Kaya hindi nila maidadahilan na iniwasan nila ang lalaking waring patay na dahil ayaw nilang pansamantalang maging hindi karapat-dapat na maglingkod sa templo.—Levitico 21:1; Bilang 19:16.
-