-
“Siya, Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”Ang Bantayan—2013 | Enero 1
-
-
Si Abel ay isinilang sa pasimula ng kasaysayan ng tao. Iniugnay siya ni Jesus sa “pagkakatatag ng sanlibutan.” (Lucas 11:50, 51) Maliwanag na ang tinutukoy rito ni Jesus ay ang sanlibutan ng mga tao na may pag-asang matubos mula sa kasalanan. Si Abel ang ikaapat na taong umiral, pero lumilitaw na siya ang unang taong nakita ng Diyos na nararapat tubusin.a Ibig sabihin, si Abel ay lumaking walang magandang halimbawang matutularan.
-
-
“Siya, Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”Ang Bantayan—2013 | Enero 1
-
-
a Ang pananalitang “pagkakatatag ng sanlibutan” ay maiuugnay sa pag-aanak, kaya may kinalaman ito sa unang mga supling ng tao. Bakit si Abel ang iniugnay ni Jesus sa “pagkakatatag ng sanlibutan,” at hindi ang panganay na si Cain? Makikita sa mga pasiya at ginawa ni Cain na nagrebelde siya sa Diyos na Jehova. Gaya ng mga magulang niya, lumilitaw na si Cain ay hindi rin nakahanay sa mga tutubusin at bubuhaying muli.
-