-
“Siya, Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”Tularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
5. Ano ang kahulugan ng pananalita ni Jesus na nag-uugnay kay Abel sa “pagkakatatag ng sanlibutan”? (Tingnan din ang talababa.)
5 Isinilang si Abel sa pasimula ng kasaysayan ng tao. Iniugnay siya ni Jesus sa “pagkakatatag ng sanlibutan.” (Basahin ang Lucas 11:50, 51.) Maliwanag na ang tinutukoy rito ni Jesus ay ang sanlibutan ng mga tao na maaaring tubusin mula sa kasalanan. Bagaman si Abel ang ikaapat na taong nabuhay, lumilitaw na siya ang unang taong nakita ng Diyos na maaaring tubusin.a Maliwanag na lumaki si Abel na walang magandang halimbawang matutularan.
-
-
“Siya, Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”Tularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
a Ang pananalitang “pagkakatatag ng sanlibutan” ay nauugnay sa paghahagis ng binhi, na nagpapahiwatig ng pag-aanak, kaya may kinalaman ito sa unang supling ng tao. Pero bakit si Abel ang iniugnay ni Jesus sa “pagkakatatag ng sanlibutan” at hindi ang panganay na si Cain? Makikita sa mga pasiya at pagkilos ni Cain na kusa siyang nagrebelde sa Diyos na Jehova. Gaya ng mga magulang niya, lumilitaw na si Cain ay hindi nakahanay sa mga tutubusin at bubuhaying muli.
-