-
EmbahadorKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
EMBAHADOR
Ayon sa pagkakagamit sa Bibliya, isang opisyal na kinatawan na isinusugo ng isang tagapamahala para sa isang pantanging okasyon at para sa isang espesipikong layunin. Kadalasan, matatanda at may-gulang na mga lalaki ang naglilingkod sa katungkulang ito. Kaya naman ang mga salitang Griego na pre·sbeuʹo (‘gumanap bilang isang embahador’ [Efe 6:20]; ‘maging isang embahador’ [2Co 5:20]) at pre·sbeiʹa (“lupon ng mga embahador” [Luc 14:32]) ay parehong nauugnay sa salitang pre·sbyʹte·ros, nangangahulugang “matandang lalaki; matanda.”—Gaw 11:30; Apo 4:4.
-
-
EmbahadorKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Ginamit din ni Jesus ang gawain ng embahador bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan upang ilarawan ang pangangailangan ng bawat isa sa atin na makipagpayapaan sa Diyos na Jehova at iwan ang lahat ng bagay upang makasunod sa mga yapak ng kaniyang Anak at sa gayon ay matamo ang lingap ng Diyos at ang buhay na walang hanggan. (Luc 14:31-33) Kabaligtaran naman nito, inilarawan niya ang kahibangan ng pakikisama sa mga nagsusugo ng mga embahador upang magsalita laban sa isa na pinagkalooban ng Diyos ng makaharing kapangyarihan. (Luc 19:12-14, 27) Ang mga Gibeonita ay mabuting halimbawa ng mataktika at matagumpay na pamamanhik ukol sa kapayapaan.—Jos 9:3-15, 22-27.
-