-
Isang Aklat na Mapagkakatiwalaan Mo—Bahagi 6Gumising!—2011 | Abril
-
-
Mababasa rin sa Bibliya ang kapansin-pansing mga hula na isinulat at natupad noong panahon ng Roma. Halimbawa, nang pumunta si Jesus sa Jerusalem, tumangis siya at inihula niya kung paano wawasakin ng mga hukbong Romano ang lunsod. “Ang mga araw ay darating sa iyo na ang iyong mga kaaway ay magtatayo sa paligid mo ng kuta na may mga tulos na matutulis,” ang sabi ni Jesus. “Hindi sila mag-iiwan sa iyo ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato, sapagkat hindi mo naunawaan ang panahon ng pagsisiyasat sa iyo.”—Lucas 19:41-44.
-
-
Isang Aklat na Mapagkakatiwalaan Mo—Bahagi 6Gumising!—2011 | Abril
-
-
Iniutos ni Tito na huwag galawin ang templo, pero sinunog ito ng isang kawal, at lubusan itong nawasak, gaya ng eksaktong inihula ni Jesus. Ayon kay Josephus, mga 1,100,000 Judio at proselita ang namatay, karamihan ay dahil sa gutom at salot, at 97,000 naman ang dinalang bihag. Marami ang ginawang alipin sa Roma. Kung papasyal ka ngayon sa Roma, puwede mong puntahan ang bantog na Colosseum, na ipinatapos ni Tito pagkaraan ng kaniyang kampanya sa Judea. Makikita mo rin ang Arko ni Tito, na nagpapagunita sa pagkubkob sa Jerusalem. Talagang maaasahan ang bawat detalye ng hula ng Bibliya. Kaya naman dapat nating dibdibin ang sinasabi nito tungkol sa hinaharap.
-