KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LUCAS 10-11
Ang Talinghaga Tungkol sa Mapagkawanggawang Samaritano
Ginamit ni Jesus ang talinghagang ito para sagutin ang tanong: “Sino ba talaga ang aking kapuwa?” (Luc 10:25-29) Alam niya na magiging bahagi ng kongregasyong Kristiyano ang “lahat ng uri ng tao”—kasama na ang mga Samaritano at Gentil. (Ju 12:32) Itinuturo ng talinghagang ito na dapat ibigin ng kaniyang mga tagasunod ang kanilang kapuwa, kahit naiiba ang mga ito sa kanila.
TANUNGIN ANG SARILI:
‘Ano ang nadarama ko sa mga kapatid na iba ang kultura?’
‘Ang lagi ko bang kasama ay mga taong kapareho ko?’
‘Puwede ba akong magpalawak at kilalanin pa ang mga kapuwa Kristiyano na iba ang pinagmulan?’ (2Co 6:13)
Sino ang puwede kong yayain na . . .
sumama sa akin sa ministeryo?
kumain sa bahay namin?
sumali sa susunod na pampamilyang pagsamba namin?