-
Isang Samaritano na Naging Tunay na KapuwaJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Sinabi ni Jesus sa lalaki: “Tama ang sagot mo; patuloy mong gawin ito at magkakaroon ka ng buhay.” Pero hindi diyan natatapos ang usapan. “Gusto ng lalaki na patunayang matuwid siya,” na kumpirmahin ni Jesus na tama ang pananaw niya at ang pakikitungo niya sa iba. Kaya nagtanong ang lalaki: “Sino ba talaga ang kapuwa ko?” (Lucas 10:28, 29) Hindi ito isang simpleng tanong. Bakit?
Para sa mga Judio, ang salitang “kapuwa” ay tumutukoy lang sa mga sumusunod sa tradisyong Judio, at waring sinusuportahan iyan ng Levitico 19:18. Itinuturing pa nga ng mga Judio na “di-matuwid” na makitungo sa mga di-Judio. (Gawa 10:28) Kaya naniniwala ang lalaking ito, pati na marahil ang ilang alagad ni Jesus, na matuwid sila kapag mabait sila sa kapuwa Judio. Pero hindi nila kailangang gawin ito pagdating sa mga di-Judio; hindi naman kasi nila “kapuwa” ang mga ito.
-
-
Isang Samaritano na Naging Tunay na KapuwaJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Napakaepektibong paraan nga ng pagtuturo! Kung basta lang sinabi ni Jesus sa lalaki na kapuwa rin niya ang mga di-Judio, tatanggapin kaya iyon ng lalaki at ng iba pang Judio? Malamang na hindi. Pero sa paglalahad ng isang simpleng kuwento na may mga detalyeng pamilyar sa mga nakikinig, naging malinaw ang sagot sa tanong na “Sino ba talaga ang kapuwa ko?” Ang tunay na kapuwa ay ang mga nagpapakita ng pag-ibig at kabaitan sa iba, gaya ng iniutos sa Kasulatan.
-