-
“Hindi Siya Nagtuturo sa Kanila Nang Walang Ilustrasyon”Halika Maging Tagasunod Kita
-
-
13 May binanggit pang ibang pamilyar na detalye si Jesus tungkol sa daang “mula sa Jerusalem . . . papuntang Jerico.” Ang unang dumaan doon ay saserdote, at pagkatapos ay Levita. Pero hindi sila huminto para tulungan ang biktima. (Lucas 10:31, 32) Naglilingkod sa templo sa Jerusalem ang mga saserdote, at tumutulong naman sa kanila ang mga Levita. Kapag wala sa templo ang mga saserdote at Levita, nasa Jerico sila na 23 kilometro lang ang layo sa Jerusalem. Dahil diyan, madalas silang naglalakbay sa daang iyon. Pansinin din na binanggit ni Jesus na ang lalaking naglalakbay ay “bumaba”—hindi umakyat—sa daang “mula sa Jerusalem.” Alam ito ng mga tagapakinig niya. Mas mataas kasi ang Jerusalem kaysa sa Jerico. Kaya talagang “bumaba” ang lalaki “mula sa Jerusalem.”b Talagang inisip ni Jesus kung ano ang pamilyar sa mga tagapakinig niya.
-
-
“Hindi Siya Nagtuturo sa Kanila Nang Walang Ilustrasyon”Halika Maging Tagasunod Kita
-
-
b Sinabi rin ni Jesus na ang saserdote at ang Levita ay “mula sa Jerusalem.” Ibig sabihin, galing sila sa templo. Kaya hindi nila maidadahilan na iniwasan nila ang lalaking inakala nilang patay na dahil maglilingkod sila sa templo at hindi sila puwedeng maging marumi.—Levitico 21:1; Bilang 19:16.
-