FEATURE
Ang Unang-Siglong Jerusalem
MALAKI na ang ipinagbago ng Jerusalem sa ngayon kung ihahambing sa kalagayan nito noong unang siglo. Gayunpaman, salig sa pagsasaliksik ng arkeolohiya, posible nang muling buuin, bagaman hindi tiyak, ang ilan sa mahahalagang bahagi ng lunsod. Makatutulong ito sa mga estudyante na gunigunihin ang mga pangyayaring naganap doon may kaugnayan sa ministeryo ni Jesus at ng kaniyang mga apostol.
Kapag si Jesus ay nasa Jerusalem sa mga panahon ng kapistahan, siya’y nagtuturo sa lugar ng templo kung saan matatagpuan ang mga tao. (Ju 7:14, 28; 18:20) Pagkamatay niya at matapos siyang buhaying-muli, ‘pinunô ng kaniyang mga alagad ng kanilang turo ang Jerusalem.’ (Gaw 5:28) Mula sa Jerusalem ay lumaganap ang kanilang pagpapatotoo hanggang sa “pinakamalayong bahagi ng lupa.”—Gaw 1:8.
Dahil sa gawain ni Jesus at ng kaniyang mga alagad, napaharap ang bansa sa mahalagang isyu: Tatanggapin ba nila ang isa na isinugo ni Jehova bilang Mesiyas? Kikilalanin ba nila ang kanilang pangangailangan sa Kaharian ng Diyos? Bagaman may mga nanampalataya kay Jesus, ang karamihan ay hindi tumugon. Humantong sa kasukdulan ang kawalang-pananampalataya ng bansa nang ipabayubay nito si Jesus, na sinuportahan ng mga taga-Jerusalem. Bilang resulta, ang lunsod ay winasak noong 70 C.E., gaya ng inihula ni Jesus.—Luc 19:41-44.