BARABAS
[Anak ng Ama; posible, Anak ng Guro].
Ang nakabilanggong kriminal na nagkasala ng pagnanakaw, sedisyon, at pagpaslang, na pinalaya ni Pilato kapalit ni Jesus. Ginawa ito ni Pilato, ‘sa pagnanais niyang palugdan ang pulutong’ nang ipagsigawan ng mga ito na palayain si Barabas dahil sa panunulsol ng mga punong saserdote at matatandang lalaki.—Mat 27:15-26; Mar 15:6-15; Luc 23:16-25; Ju 18:39, 40; Gaw 3:14.
Ang naiibang kaugaliang ito ng pagpapalaya sa isang bilanggo taun-taon kapag Paskuwa ay walang saligan o parisan sa Hebreong Kasulatan, at walang masusumpungang katibayan mula sa di-Biblikal na mga reperensiya na ito ay isang kaugaliang Romano. Maliwanag na ito ay nagmula sa mga Judio, sapagkat sinabi ni Pilato sa mga Judio: “May kaugalian kayo na magpapalaya ako sa inyo ng isang tao kapag paskuwa.”—Ju 18:39.