-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2004 | Disyembre 1
-
-
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Bakit sinabihan ng binuhay-muling si Jesus na hipuin siya ni Tomas gayong bago ang pangyayaring ito ay pinigilan Niya si Maria Magdalena na gawin ito?
-
-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2004 | Disyembre 1
-
-
Naiiba naman ang pag-uusap nina Jesus at Tomas. Wala si Tomas nang magpakita si Jesus sa ilan niyang alagad. Nang maglaon, ipinahayag ni Tomas ang pag-aalinlangan niya hinggil sa pagkabuhay-muli ni Jesus, anupat sinabing hindi siya maniniwala rito maliban na lamang kung makikita niya ang sugat ni Jesus dahil sa pagkakapako at kung mahahawakan niya ang sugat ni Jesus sa tagiliran dahil sa sibat. Makalipas ang walong araw, muling nagpakita si Jesus sa kaniyang mga alagad. Sa pagkakataong ito, naroroon na si Tomas, at sinabihan siya ni Jesus na hipuin nito ang kaniyang mga sugat.—Juan 20:24-27.
Kaya, sa kaso ni Maria Magdalena, ipinakikita ni Jesus na walang dahilan upang pigilin siya sa pag-alis; sa kaso naman ni Tomas, tinutulungan ni Jesus ang isa na nag-aalinlangan. Sa dalawang pagkakataong ito, makatuwiran ang naging pagkilos ni Jesus.
-