-
Matuto Mula sa Pagiging Mapagbantay ng mga Apostol ni JesusAng Bantayan—2012 | Enero 15
-
-
4, 5. Paano inakay ng banal na espiritu si Pablo at ang kaniyang mga kasama?
4 Una, ang mga apostol ay mapagbantay sa tagubilin kung saan mangangaral. Sinasabi sa isang ulat kung paano ginamit ni Jesus ang banal na espiritu, na ibinigay sa kaniya ni Jehova, para gabayan si apostol Pablo at ang mga kasama nito sa isang naiibang paglalakbay. (Gawa 2:33) Repasuhin natin ito.—Basahin ang Gawa 16:6-10.
-
-
Matuto Mula sa Pagiging Mapagbantay ng mga Apostol ni JesusAng Bantayan—2012 | Enero 15
-
-
7 Sa puntong ito, nakapagtataka ang ginawang pasiya ng grupo ni Pablo. Ganito ang sabi ng talata 8: “Kaya nilampasan nila ang Misia at bumaba sa Troas.” Naglakad sila nang 563 kilometro pakanluran. Dumaan sila sa mga lunsod hanggang sa makarating sila sa daungan ng Troas, na nagsilbing pintong papasók sa Macedonia. Sa ikatlong pagkakataon, kumatok si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sa wakas, bumukas ang pinto! Sinasabi sa talata 9: “Nang kinagabihan ay nagpakita kay Pablo ang isang pangitain: isang lalaking taga-Macedonia ang nakatayo at namamanhik sa kaniya at nagsasabi: ‘Tumawid ka sa Macedonia at tulungan mo kami.’” Sa wakas, alam na ni Pablo kung saan sila mangangaral. Agad silang naglayag patungong Macedonia.
-