-
“Pakinggan Ninyo ang Pagtatanggol Ko”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
5 Sa ulat ni Pablo, malamang na nabanggit niya ang mga abuloy na dala niya mula sa Europa. Tiyak na naantig ang mga tagapakinig niya dahil sa pagmamalasakit ng mga kapatid mula sa malalayong lupain. Sa katunayan, dahil sa ulat na ito ni Pablo, “niluwalhati nila [ng matatandang lalaki] ang Diyos”! (Gawa 21:20a) Sa ngayon, naaantig din ang mga biktima ng sakuna at malulubhang sakit kapag tinutulungan sila at pinapatibay ng mga kapatid.
Marami Pa Rin ang “Mahigpit na Sumusunod sa Kautusan” (Gawa 21:20b, 21)
6. Anong problema ang isiniwalat kay Pablo?
6 Isiniwalat ngayon ng matatandang lalaki ang problemang bumangon sa Judea dahil sa mga usap-usapan tungkol kay Pablo. Sinabi nila sa kaniya: “Kapatid, alam mong libo-libo sa mga mananampalataya ay Judio, at lahat sila ay mahigpit na sumusunod sa Kautusan. At narinig nila ang usap-usapan tungkol sa iyo na tinuturuan mong tumalikod sa Kautusan ni Moises ang lahat ng Judio na nasa ibang mga bansa. Sinasabi mo raw sa mga ito na huwag tuliin ang mga anak nila at huwag nang sundin ang mga kaugalian.”a—Gawa 21:20b, 21.
7, 8. (a) Ano ang maling pagkaunawa ng maraming Kristiyano sa Judea? (b) Bakit hindi matatawag na apostasya ang maling akala ng ilang Kristiyanong Judio?
7 Bakit kaya napakarami pa ring Kristiyano ang mahigpit na sumusunod sa Kautusang Mosaiko gayong mahigit 20 taon na ang nakalipas matapos itong mapawalang-bisa? (Col. 2:14) Noong 49 C.E., nang sumulat sa mga kongregasyon ang mga apostol at matatandang lalaki na nagpupulong sa Jerusalem, ipinaliwanag nilang hindi na kailangan pang magpatuli ang mga di-Judio ni sumunod man sa Kautusang Mosaiko. (Gawa 15:23-29) Pero hindi espesipikong nabanggit sa liham ang mga mananampalatayang Judio, na karamihan ay nag-aakalang nasa ilalim pa rin sila ng Kautusang Mosaiko.
8 Kahit mali ang pagkaunawa ng mga mananampalatayang Judiong iyon, kuwalipikado pa rin silang maging Kristiyano. Kasi hindi naman sila mga dating pagano na tuloy pa rin sa pagsunod sa dati nilang paniniwala. Mula mismo kay Jehova ang Kautusan na pinanghahawakan nila. Hindi ito mali o makademonyo. Pero ang Kautusan ay kapit lang sa lumang tipan, samantalang ang mga Kristiyano ay nasa ilalim na ng bagong tipan. Kung dalisay na pagsamba ang pag-uusapan, lipas na ang mga kaugalian sa tipang Kautusan. Hindi ito maunawaan ng mga Hebreong Kristiyano na mahigpit pa ring sumusunod sa Kautusan at wala pa ring gaanong tiwala sa kongregasyong Kristiyano. Kailangan nilang iayon ang pag-iisip nila sa mga bagong liwanag na isinisiwalat ng Diyos hinggil sa tipang Kautusan.b—Jer. 31:31-34; Luc. 22:20.
-
-
“Pakinggan Ninyo ang Pagtatanggol Ko”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
a Posibleng maraming kongregasyon ang nagpupulong sa mga bahay para mapangalagaan ang espirituwalidad ng maraming Judiong Kristiyano.
-