KOLONADA NI SOLOMON
Ayon sa mga akda ni Josephus, ang kolonadang ito ay orihinal na itinayo ni Solomon sa isang gawang-taong gulod sa S panig ng templo. Gayunman, ang kolonadang umiiral noong unang siglo C.E., ay sinasabing kabilang sa mga ipinagawa ni Herodes sa kaniyang proyekto ng muling pagtatayo. (Jewish Antiquities, VIII, 95-98 [iii, 9]; XX, 219-221 [ix, 7]; The Jewish War, I, 401 [xxi, 1]; V, 184-189 [v, 1]) Sa Kapistahan ng Pag-aalay noong taglamig ng 32 C.E., kinumpronta ng mga Judio si Jesus sa kolonada ni Solomon at pinilit nila siyang ipakilala ang kaniyang sarili bilang ang Kristo. (Ju 10:22-24) Pagkaakyat ni Jesus sa langit, madalas pa ring pumupunta sa lugar na ito ang kaniyang mga alagad, maliwanag na upang mangaral sa mga Judio roon.—Gaw 3:11; 5:12; LARAWAN, Tomo 2, p. 745.