-
“Magiging mga Saksi Ko Kayo”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
14, 15. (a) Ano ang sinabi ng mga anghel tungkol sa pagbabalik ni Kristo, at ano ang ibig nilang sabihin? (Tingnan din ang talababa.) (b) Paanong ang pagbabalik ni Kristo ay naging “sa katulad na paraan” ng kaniyang paglisan?
14 Binanggit sa simula ng kabanatang ito na si Jesus ay umangat sa lupa at naglaho sa paningin. Pero nanatili pa ring nakatayo ang 11 apostol habang nakatingin sa langit. Sa wakas, dalawang anghel ang nagpakita sa kanila. Mabait nilang sinaway ang mga apostol: “Mga lalaki ng Galilea, bakit kayo nakatayo at nakatingin sa langit? Ang Jesus na ito na kasama ninyo noon at iniakyat sa langit ay darating din sa katulad na paraan kung paano ninyo siya nakitang umakyat sa langit.” (Gawa 1:11) Ang ibig ba nilang sabihin, babalik si Jesus taglay ang katawang laman niya, gaya ng itinuturo ng ilang relihiyon? Hindi. Paano natin nalaman?
15 Sinabi ng mga anghel na si Jesus ay babalik, hindi sa katulad na anyo, kundi “sa katulad na paraan.”b Paano ba siya lumisan? Naglaho na siya sa paningin ng kaniyang mga apostol nang magsalita ang mga anghel. Tanging ang iilang lalaking iyon, ang mga apostol, ang nakaunawa na nilisan na ni Jesus ang lupa at papunta na sa kaniyang Ama sa langit. Sa ganiyang paraan din babalik si Kristo. At gayon nga ang nangyari. Sa ngayon, tanging ang mga may espirituwal na kaunawaan lamang ang nakaaalam na si Jesus ay naghahari na. (Luc. 17:20) Kailangan nating unawain ang ebidensiya ng kaniyang presensiya at ipaliwanag ito sa iba upang makita rin naman nila ang pagkaapurahan ng panahon.
-
-
“Magiging mga Saksi Ko Kayo”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
b Dito, ginamit ng Bibliya ang salitang Griego na troʹpos, na nangangahulugang “paraan,” at hindi mor·pheʹ, na ang ibig sabihin ay “anyo.”
-