-
“Ang Salita ni Jehova ay Patuloy na Lumalaganap”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
19, 20. (a) Bakit pinarusahan ni Jehova si Herodes? (b) Bakit nakaaaliw sa atin ang ulat tungkol sa biglang pagkamatay ni Herodes Agripa?
19 Para lang sa Diyos ang gayong kaluwalhatian, at nagmamasid ang Diyos! Maiiwasan sana ni Herodes ang kapahamakan kung sinaway niya ang mga tao o kung tinutulan man lang sana niya ang sinabi nila. Sa halip, siya ay naging buháy na halimbawa ng kawikaan: “Ang pagmamataas ay humahantong sa pagbagsak.” (Kaw. 16:18) “Agad siyang sinaktan ng anghel ni Jehova,” anupat naging sanhi ng kakila-kilabot na kamatayan ng ubod-yabang at mapagmataas na lalaking ito. Si Herodes ay “kinain . . . ng mga uod at namatay.” (Gawa 12:23) Iniulat din ni Josephus na bigla na lang nagkasakit si Agripa, at na inamin ng haring ito na buhay niya ang naging kapalit ng pagtanggap sa papuri ng mga tao. Isinulat ni Josephus na limang araw na naghirap si Agripa bago siya nalagutan ng hininga.b
-
-
“Ang Salita ni Jehova ay Patuloy na Lumalaganap”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
b Isinulat ng isang doktor at awtor na ang mga sintomas na inilarawan ni Josephus at ni Lucas ay maaaring dulot ng mga roundworm na bumabara sa bituka at puwedeng ikamatay ng biktima. Ang gayong mga bulati ay isinusuka kung minsan o kaya’y gumagapang palabas ng katawan ng pasyente pagkamatay nito. Ganito ang sinabi ng isang reperensiya: “Dahil doktor si Lucas, nailarawan niyang mabuti ang kakila-kilabot na kamatayan [ni Herodes].”
-