-
“Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
6, 7. (a) Sino si Sergio Paulo, at bakit tinangka ni Bar-Jesus na pigilan siyang makinig sa mabuting balita? (b) Paano nilabanan ni Saul ang pagsalansang ni Bar-Jesus?
6 Noong unang siglo, ang Ciprus ay punô ng huwad na pagsamba. Kitang-kita ito nang marating nina Bernabe at Saul ang Pafos, na nasa kanlurang baybayin ng isla. Nakilala nila roon “si Bar-Jesus, isang lalaking Judio na mangkukulam at huwad na propeta.” At “kasama siya ng proconsul na si Sergio Paulo, isang matalinong lalaki.”f Noong unang siglo, maraming edukadong Romano—kahit si Sergio Paulo na “isang matalinong lalaki”—ang madalas na sumasangguni sa mangkukulam o astrologo kapag gumagawa ng mahahalagang desisyon. Pero nagkainteres si Sergio Paulo sa mensahe ng Kaharian at “gustong-gusto nitong marinig ang salita ng Diyos.” Hindi ito nagustuhan ni Bar-Jesus, na kilala rin sa propesyonal niyang titulo na Elimas, na nangangahulugang “Mangkukulam.”—Gawa 13:6-8.
-
-
“Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
f Ang Ciprus ay sakop ng Senado ng Roma. Ang punong administrador ng isla ay ang gobernador ng lalawigan na may ranggong proconsul.
-