-
MarcosKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Ang Romanong huling pangalan ng anak ni Maria ng Jerusalem. Ang kaniyang pangalang Hebreo ay Juan, nangangahulugang “Si Jehova ay Nagpakita ng Lingap; Si Jehova ay Nagmagandang-loob.” (Gaw 12:12, 25) Si Marcos ay pinsan ni Bernabe, naging kasama siya sa paglalakbay ni Bernabe at ng iba pang sinaunang mga misyonerong Kristiyano, at kinasihan siya upang isulat ang Ebanghelyo na nagtataglay ng kaniyang sariling pangalan. (Col 4:10) Si Marcos ang Juan Marcos na binanggit sa aklat ng Mga Gawa at ang Juan ng Gawa 13:5, 13.
-
-
MarcosKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
-
-
Pagkatapos nilang maisakatuparan ang tulong bilang paglilingkod sa Jerusalem, sina Bernabe at Saul (Pablo) ay ‘bumalik at isinama nila si Juan, ang may huling pangalang Marcos.’ Lumilitaw na si Marcos ay nagsilbi bilang kanilang tagapaglingkod, marahil ay nag-aasikaso ng kanilang pisikal na mga pangangailangan habang naglalakbay sila. (Gaw 12:25; 13:5) Sa isang di-isiniwalat na dahilan, nang dumating sila sa Perga sa Pamfilia, “si Juan [Marcos] ay humiwalay sa kanila at bumalik sa Jerusalem.” (Gaw 13:13) Nang maglaon, nang naghahanda si Pablo sa kaniyang ikalawang paglalakbay bilang misyonero, bagaman determinado si Bernabe na isama si Marcos, “hindi iniisip ni Pablo na wastong isama nila ang isang ito, yamang humiwalay ito sa kanila mula sa Pamfilia at hindi sumama sa kanila sa gawain.” “Isang matinding pagsiklab ng galit” ang sumunod, at sila ay naghiwalay; isinama ni Bernabe si Marcos patungong Ciprus at isinama naman ni Pablo si Silas patungong Sirya at Cilicia.—Gaw 15:36-41.
-