-
Bawat Isa’y Magiging MalayaAng Bantayan—1999 | Mayo 1
-
-
“Ang Pagsisiwalat sa mga Anak ng Diyos”
Ipinasakop ni Jehova ang paglalang sa kawalang-saysay “salig sa pag-asa” na balang araw ang kalayaan ay isasauli sa sambahayan ng tao sa pamamagitan ng mga gawain ng “mga anak ng Diyos.” Sino ba itong “mga anak ng Diyos”? Sila ang mga alagad ni Jesu-Kristo na, gaya ng iba pa sa “paglalang [na tao],” ay ipinanganak na alipin ng kasalanan at di-kasakdalan. Sa pagsilang ay wala silang matuwid na dako sa malinis at sakdal na pansansinukob na sambahayan ng Diyos. Subalit may kamangha-manghang bagay na ginawa si Jehova para sa kanila. Sa pamamagitan ng haing pantubos ni Jesu-Kristo, pinalalaya Niya sila mula sa pagkaalipin sa minanang kasalanan at ipinahahayag silang “matuwid,” o malinis sa espirituwal na paraan. (1 Corinto 6:11) Pagkatapos ay inaampon niya sila bilang “mga anak ng Diyos,” anupat ibinabalik sila sa kaniyang pansansinukob na sambahayan.—Roma 8:14-17.
Bilang inampon na mga anak ni Jehova, magkakaroon sila ng isang maluwalhating pribilehiyo. Sila’y magiging “mga saserdote sa ating Diyos, at sila ay mamamahala bilang mga hari sa ibabaw ng lupa” kasama ni Jesu-Kristo bilang bahagi ng makalangit na Kaharian, o pamahalaan ng Diyos. (Apocalipsis 5:9, 10; 14:1-4) Isa itong pamahalaan na matibay na naitatag sa mga simulain ng kalayaan at katarungan—hindi sa paniniil at pang-aapi. (Isaias 9:6, 7; 61:1-4) Binabanggit ni apostol Pablo na ang mga anak ng Diyos na ito ay mga kasama ni Jesus, ang malaon nang ipinangakong ‘binhi ni Abraham.’ (Galacia 3:16, 26, 29) Bilang gayon, gumaganap sila ng isang mahalagang bahagi sa pagsasakatuparan ng pangako ng Diyos sa kaniyang kaibigang si Abraham. Bahagi ng pangakong ito ay na sa pamamagitan ng binhi (o, supling), ni Abraham, “tiyak na pagpapalain ng lahat ng bansa sa lupa ang kanilang sarili.”—Genesis 22:18.
-
-
Bawat Isa’y Magiging MalayaAng Bantayan—1999 | Mayo 1
-
-
Kailan magsisimula “ang pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos”? Napakalapit na, kapag isiniwalat ni Jehova sa lahat kung sino ang mga anak ng Diyos. Ito’y kapag ang “mga anak” na ito, na binuhay-muli sa dako ng mga espiritu, ay makikibahagi sa pag-aalis ng kasamaan at paniniil sa lupang ito na kasama ni Jesu-Kristo sa digmaan ng Diyos ng Har-Magedon. (Daniel 2:44; 7:13, 14, 27; Apocalipsis 2:26, 27; 16:16; 17:14; 19:11-21) Nakikita natin sa paligid natin ang dumaraming katibayan na tayo’y nasa dulo na ng “mga huling araw,” kung kailan magwawakas ang malaon nang pagpapahintulot ng Diyos sa paghihimagsik at sa bunga nitong kabalakyutan.—2 Timoteo 3:1-5; Mateo 24:3-31.
-
-
Bawat Isa’y Magiging MalayaAng Bantayan—1999 | Mayo 1
-
-
Samantalang “hinihintay ang pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos,” maaari mong linangin ang pagtitiwala na taglay ni apostol Pablo sa pangangalaga at alalay ni Kristo, kahit na sa wari’y halos hindi na mabata ang mga pagdurusa at kawalan ng katarungan. Pagkatapos talakayin ang pagsisiwalat sa mga anak ng Diyos, nagtanong si Pablo: “Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Kristo? Ang kapighatian ba o ang kabagabagan o ang pag-uusig o ang gutom o ang kahubaran o ang panganib o ang tabak?” (Roma 8:35) Sabihin pa, ayon sa pananalita ni Rousseau, ang mga Kristiyano noong panahon ni Pablo ay “nakatanikala” pa rin sa iba’t ibang uri ng mapaniil na puwersa. Sila’y “pinapatay sa buong maghapon” gaya ng “mga tupang papatayin.” (Roma 8:36) Pinahintulutan ba nilang madaig sila nito?
-