-
Paano Tatanggapin ng Diyos ang Pagsamba Natin?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
2. Paano natin dapat sambahin si Jehova?
Si Jehova lang ang dapat nating sambahin kasi siya ang lumalang sa atin. (Apocalipsis 4:11) Ibig sabihin, siya lang ang mamahalin at sasambahin natin. At hindi tayo gagamit ng mga idolo, imahen, o rebulto sa pagsamba sa kaniya.—Basahin ang Isaias 42:8.
Dapat na “banal” at “katanggap-tanggap” ang pagsamba natin kay Jehova. (Roma 12:1) Ibig sabihin, dapat nating sundin ang mga utos niya. Halimbawa, sinusunod ng mga nagmamahal kay Jehova ang mga pamantayan niya sa pag-aasawa. Wala silang mga bisyo, gaya ng paninigarilyo, pag-abuso sa droga, o sobrang pag-inom ng alak.a
-
-
Pahalagahan ang Regalong BuhayMasayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
3. Ingatan ang kalusugan mo
Kapag inialay na natin ang buhay natin kay Jehova, gagamitin natin ito para paglingkuran siya. Para itong paghaharap ng katawan natin bilang isang hain sa Diyos. Basahin ang Roma 12:1, 2. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Bakit gusto mong ingatan ang kalusugan mo?
Paano mo ito magagawa?
-