-
Ibagsak ang mga Pangangatuwirang Salungat sa Kaalaman ng Diyos!Ang Bantayan (Pag-aaral)—2019 | Hunyo
-
-
1. Anong babala ang sinabi ni apostol Pablo sa mga pinahirang Kristiyano?
“HUWAG,” ang babala ni apostol Pablo. “Huwag na kayong magpahubog sa sistemang ito.” (Roma 12:2) Sinabi iyan ni Pablo sa mga Kristiyano noong unang siglo. Bakit ganoon na lang katindi ang babala niya sa mga taong nakaalay sa Diyos at pinahiran ng banal na espiritu?—Roma 1:7.
2-3. Ano ang ginagawa ni Satanas para iwan natin si Jehova, pero paano maaalis sa ating isip ang mga bagay na “matibay ang pagkakatatag”?
2 Nag-aalala si Pablo dahil may ilang Kristiyano noon na naiimpluwensiyahan ng maling pangangatuwiran at pilosopiya ng sanlibutan ni Satanas. (Efe. 4:17-19) Puwede ring mangyari iyan sa atin ngayon. Gustong-gusto ni Satanas, ang diyos ng sistemang ito, na iwan natin si Jehova, kaya gumagamit siya ng iba’t ibang taktika. Halimbawa, kung matayog ang pangarap natin at gusto nating maging sikat, gagamitin niya iyon laban sa atin. Puwede pa nga niyang gamitin ang ating kultura, edukasyon, o mga karanasan para maging gaya ng sa kaniya ang pag-iisip natin.
-
-
Ibagsak ang mga Pangangatuwirang Salungat sa Kaalaman ng Diyos!Ang Bantayan (Pag-aaral)—2019 | Hunyo
-
-
“PAGBABAGO NG INYONG PAG-IISIP”
4. Anong mga pagbabago ang kinailangang gawin ng marami sa atin nang tanggapin natin ang katotohanan?
4 Alalahanin ang mga pagbabagong kinailangan mong gawin nang tanggapin mo ang katotohanan mula sa Bibliya at magpasiyang maglingkod kay Jehova. Marami sa atin ang kinailangang huminto sa masasamang gawain. (1 Cor. 6:9-11) Mabuti na lang at tinulungan tayo ni Jehova na maihinto ang mga gawaing iyon!
5. Anong dalawang bagay ang kailangan nating gawin ayon sa Roma 12:2?
5 Pero hindi tayo dapat maging kampante. Kahit naitigil na natin ang malulubhang kasalanang ginagawa natin bago mabautismuhan, kailangan pa rin nating iwasan ang anumang bagay na makakatukso sa atin na balikan ang mga gawaing iyon. Paano? Sinabi ni Pablo: “Huwag na kayong magpahubog sa sistemang ito, kundi magbagong-anyo kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip.” (Roma 12:2) Kaya dalawang bagay ang kailangang gawin. Una, “huwag na [tayong] magpahubog,” o magpaimpluwensiya, sa sistemang ito. Ikalawa, “magbagong-anyo” tayo sa pamamagitan ng pagbabago ng ating pag-iisip.
6. Ano ang matututuhan natin sa sinabi ni Jesus sa Mateo 12:43-45?
6 Ang pagbabagong-anyo na nasa isip ni Pablo ay hindi lang basta sa panlabas. Pagbabago ito ng ating buong pagkatao. (Tingnan ang kahong “Nagbago Na o Nagkukunwari Lang?”) Kailangan nating baguhin ang ating pag-iisip—ang ating ugali, damdamin, at mga gusto. Kaya kailangan nating pag-isipan, ‘Ang mga ginagawa ko bang pagbabago para maging Kristiyano ay pakitang-tao lang, o taos sa puso?’ Malaki ang pagkakaiba nito. Sa Mateo 12:43-45, ipinakita ni Jesus kung ano ang kailangang gawin. (Basahin.) May matututuhan tayong mahalagang aral sa sinabi niya: Hindi sapat na basta maalis lang ang mga maling kaisipan; kailangang palitan iyon ng kaisipan ng Diyos.
-