-
Ano ang Magiging Katayuan Ninyo sa Harap ng Luklukan ng Paghatol?Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
-
-
12 Samakatuwid, ang pagkakita ni Daniel sa Diyos na ‘pag-upo sa trono’ ay nangangahulugan ng Kaniyang pagparito upang magbigay ng hatol. Nauna rito ay umawit si David: “Ikaw [Jehova] ang naglapat ng aking paghatol at ng aking usap; naupo ka sa trono na humahatol sa katuwiran.” (Awit 9:4, 7) At sumulat si Joel: “Hayaang bumangon ang mga bansa at umahon sa mababang kapatagan ni Jehosapat; sapagkat doon ako [si Jehova] mauupo upang humatol sa lahat ng bansa.” (Joel 3:12; ihambing ang Isaias 16:5.) Kapuwa sina Jesus at Pablo ay nasa hudisyal na mga kalagayan na doo’y umupo ang isang tao upang duminig ng isang kaso at magbigay ng hatol.b—Juan 19:12-16; Gawa 23:3; 25:6.
-
-
Ano ang Magiging Katayuan Ninyo sa Harap ng Luklukan ng Paghatol?Ang Bantayan—1995 | Oktubre 15
-
-
b Hinggil sa mga Kristiyano na naghahablahan sa isa’t isa sa hukuman, itinanong ni Pablo: “Ang mga lalaki bang minamaliit sa kongregasyon ang inilalagay ninyo bilang mga hukom [sa literal ay “pinauupo ninyo”]?”—1 Corinto 6:4.
-